ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

NDRRMC: 331 katao sa Davao Norte, inilikas dahil sa flash flood


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Napilitang lumikas ang aabot sa 331 katao mula sa ilang mga lugar sa bayan ng Kapalong sa probinsya ng Davao del Norte noong Sabado dahil sa flash flood, pahayag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council nitong Linggo. Sa 7 a.m. update nito, inihayag ng NDRRMC na naganap ang flash flood dakong 4:30 ng hapon noong Sabado sa mga baranggay ng Maniki, Pag-asa, Sampao, Sua-on, Semong at Mamacao. Ayon sa NDRRMC, 90 pamilya o 331 katao ang apektado ng flash flood at inilikas sa mas mataas na lugar. Dakong alas-6 ng gabi ng Sabado, hindi na umano madaanan ng ilang uri ng mga sasakyan ang Florida Road sa Purok 1 patungo sa Barangay proper, ayon sa NDRRMC. Dagdag pa nito, binabantayan na ng Office of Civil Defense Region 11 ang lebel ng tubig sa Libuganon River at mga tributary nito. Naka-standby na ang Kapalong rescue and emergency services sa oras na kailanganin ang kanilang tulong, ayon sa NDRRMC. — Amanda Fernandez /LBG, GMA News