ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Dalawang Sugod-Closet kasama ni Maxene Magalona ang hatid sa inyo ng Fashbook


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sugod na sa closets nina Barbie Almalbis at Markki Stroem at silipin ang mga beauty picks ni Maxene Magalona! Airing Date: January 23, 2013 Ngayong Miyerkules sa Fashbook, hahalili muna ang aktres at fashionista na si Maxene Magalona habang nagbabakasyon pa ang ating host na si Solenn Heussaff. Sa tulong ni Maxene, susugod ang Fashbook hindi lang sa isa kundi sa dalawang celebrity closets! Una na ang closet ng female rocker na si Barbie Almabis na ngayon ay isa na ring mommy. Sa pagsugod ni Maxene sa kanyang closet, ipapakita ng rakista ang kanyang kikay side. Malalaman na ang mga hilig ni Barbie pagdating sa fashion at makikita na rin ang kanyang mga paboritong statement T-shirts at dresses. Ipapakita rin ni Barbie ang kanyang collection ng gitara kasama na dito ang kanyang gitarang siya mismo ang nag-disenyo. Bukod kay Barbie, sisilipin din ng Fashbook ang closet ng Cosmo hunk, actor at singer na si Markki Stroem. Ipapakita ni Markki ang iba’t-ibang style na kanyang nakaka-hiligan. Malalaman din ang  sikreto ng model-actor sa pagkakaraon ng isang magandang pangangatawan. Sa mga bumigat naman ang timbang pagkatapos ng Pasko at Bagong Taon, may hinandang listahan ang Fashbook ng murang activities, gyms at aerobics classes sa Metro Manila. Ilan lang dito ay ang Aerobics class sa Quezon City Memorial Circle at isang badminton court na puwedeng maglaro ng mahabang oras sa halagang P150 lamang. Ipapakita rin ni Maxene ang kanyang fitness routine at iba pa niyang sikreto sa pagkakaroon ng fit at healthy body. Sa mga nais malaman naman ang sikreto ni Maxene pagdating sa beauty, ipapakita ng young star ang kanyang beauty must-haves at ang mga paborito niyang beauty products sa segment na Maxene’s Picks o M-Picks! Mapapanood ang Fashbook tuwing Miyerkules ng gabi, 10pm, pagkatapos ng SONA sa GMA NewsTV.