ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
'Brigada:' BB Gandanghari, handa nang maging ganap na binibini?
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Brigada Binibining Gandanghari, Dugyot na BBQ, at Devotee City Airing Date: January 21, 2013 BINIBINING GANDANGHARI 

Nauna na tayong ginulat ni BB Gandanghari nang ianunsyo niya na patay na raw ang dati niyang katauhang si Rustom Padilla. Ngayon may bago na naman siyang pasabog. Naghahanda na raw siya para maging isang ganap na babae. Sa pakikipagkwentuhan ni BB kay Nelson Canlas, ibinahagi rin niya kung paano niya susuungin ang panibagong yugtong ito sa kanyang buhay.
DUGYOT NA BBQ 

Sa Nagcarlan, Laguna, naglipana diumano ang mga ihaw-ihaw na mura na, marumi pa! Napag-alaman kasing napakarumi nang pagkakagawa ng mga isaw at barbecue na ito, nariyang nilalangaw at nilalamutak ng mga nakahubad na trabahador. Sumama si Jay Sabale sa pagmamanman at pag-i-inspeksyon dito ng mga awtoridad.
DEVOTEE CITY
Tuwing Sinulog Festival ng Cebu, ipinamamalas ng mga deboto ang kanilang pasasalamat at pananampalataya sa Señor Santo Niño. Sa okasyong ito, dagsa rin ang mga tao sa itinayo ritong Devotee City, isang komunidad na nagsisilbing pansamantalang tirahan ng mga dayo. Hindi lang ito binisita ni GMA Cebu Regional Reporter Chona Carreon, sinubukan din niya kung paano mamuhay rito.
Sa pangunguna ni Ms. Jessica Soho, patuloy nating bantayan ang mga isyu ng bayan ngayong Lunes, alas-otso ng gabi. Dahil lahat tayo kasama. sa iisang Brigada!
More Videos
Most Popular