ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Bawal ang Pasaway: JPE, nandigang hindi ilegal ang kanyang yaman


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
ONE-ON-ONE WITH SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE
Airing date: January 21, 2013
Malayong humupa ang mga alitan sa Senado dahil sa hindi raw patas na pamamahala rito ni Senate President Juan Ponce Enrile. 
 
Sa one-on-one interview ni Prof. Solita Monsod kay Sen. Enrile, hinamon ng pinuno ng Senado ang mga kapwa senador na magpasailalim sa isang independent audit nang malaman ng publiko kung sino ang abusado o kaya ay iresponsable sa paggamit ng pondo ng mataas na kamara.
 
Ayon kay Sen. Enrile, dito mapapatunayan kung totoo ang sinasabi ni Sen. Panfilo Lacson na may senador na ginagamit ang pondo ng opisina para pasuwelduhin ang mga katulong sa bahay. 
 
"Cleansing time ito, dapat lumabas na ang dapat lumabas," dagdag pa ni Sen. Enrile.  Hindi rin daw importante sa kanya kung mapatalsik siya mula sa puwesto dahil alam niyang anumang oras ay maari siyang alisin mula rito.
 
Pinatamaan din ni Sen. Enrile ang ilang kasamahan. Mayroon aniyang paulit-ulit na humihingi ng reorganisasyon ng Senado pero di naman mahusay, laging late o kaya ay absent.
 
Pinasaringan din niya ang isang kasamahan na 57% lang ang grado sa ethics ng bar exam. 
 
Hinamon ni Sen. Enrile ang sinumang interesadong silipin kung ilegal ang kanyang yaman. Inimbitahan din niyang magtungo sa Port Irene sa Cagayan ang sinumang nagsasabing may ilegal siyang gawain dito. 
 
At sakali mang hindi maayos ang gusot sa Senado at siya ay mapatalsik, handa raw siyang maging bahagi ng minorya kung saan malaya siyang makakapagsalita. 
 
Abangan ang iba pang pahayag ng pinuno ng Senado sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie mamayang ika-10 ng gabi sa GMA News TV Channel-11.