ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Katrina Halili, babalikan ang kontrobersiya sa kanyang buhay sa Magpakailanman


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Maituturing na isang kuwento ng tagumpay ang pagningning ng bituin ng aktres na si Katrina Halili. Ngunit sa kabila ng kanyang tagumpay, nasangkot siya sa isang kontrobersiya na nakapagpabago ng takbo ng kanyang buhay. Sa Enero 26, matutunghayan sa Magpakailanman ang kabanatang ito sa buhay ni Katrina, kung saan siya mismo ang gaganap sa kanyang sarili. Mula sa pagiging Starstruck Avenger, malayo ang nararating ni Katrina. Gaganap siya sa iba’t ibang 'di malilimutang papel sa ilang teleserye. Gagawa siya ng mga pelikula at ilang ulit ding tatanghaling sexiest woman ng isang men's magazine Sa panayam ng GMANetwork.com kay Katrina, sinabi ng aktres na masayang masaya siya ngayon sa kanyang buhay bilang isang ina sa baby nila ni Kris Lawrence na si Katrence. Nang tanungin kung ano ang mga paghahandang ginawa niya sa kanyang TV comeback, patawang inilahad ni Katrina na, “Actually nagbihis lang ako kasi ako rin ito. Wala masyadong preparations. Actually, nagpapayat ako para magprepare sa role." Tungkol naman sa tanong kung ano ang mga aabangan sa kuwento ng kanyang buhay, ito ang nasabi ni Katrina: “Siguro dapat abangan na lang nila kung ano yung ups and downs ng buhay ko. Yung pinaka may kulay nung nakaraan. Pero siyempre, may ibang kulay na ngayon. Interesting. Kailangan panoorin na lang nila." Asahan din ang mga eksenang heavy drama, ayon kay Katrina. “Siyempre may drama. Yung sa pagkawala nung lola ko, at saka yung nangyari sa akin. Makikita nila yung kung papaano ako nakarecover dun sa nangyari sa akin," anang aktres. Alamin kung anong mga pagsubok ang pinagdaanan ni Katrina, at kung paano niya nalampasan ang lahat ng ito. Abangan ang nakakaantig na kuwento ni Katrina sa Magpakailanman ngayong Sabado, Enero 26. -- Samantha Portillo, GMANetwork.com