ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Tonight with Arnold Clavio: Half Pinoy


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

HALF PINOY! TONIGHT WITH ARNOLD CLAVIO Airing date: January 22, 2013 Sila ang mga "half-half" na dumayo sa Pilipinas para tuklasin ang kanilang pagka-Pilipino! Pitong kalalakihang tila dayuhan kung titignan ang kulay ng balat at tangos ng ilong pero nanalaytay pala sa kanilang dugo ang pagiging Pilipino. Una silang nakilala dahil sa pag-upload ng mga nakatutuwang video sa YouTube kung saan sari-saring trabaho gaya ng pagtataho, pagtitinda ng fishball, at balut ang kanilang sinabak. Bakit nga ba ito ang pinili nilang gawin at bakit sa Pilipinas nila mas gustong mamalagi? Aalamin iyan ni Igan Arnold Clavio ngayong Martes sa Tonight with Arnold Clavio kung saan laging masaya at makabuluhan ang kuwentuhan!