ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

2 'tulak' na tauhan daw ng kilalang drug personality sa Alaminos, Pangasinan, huli


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dalawang lalaki na sinasabing nagtutulak ng iligal na droga sa Alaminos, Pangasinan ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad. Sa ulat ni Katrina Aquino ng GMA-Dagupan sa Balita Pilipinas Ngayon nitong Martes, sinabing nakuha sa dalawang suspek ang apat na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu, na tinatayang nagkakahalaga ng P100,000. Ayon sa ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang dalawang nadakip ay mga tauhan umano ng isang kilalang personalidad na sangkot sa iligal na droga sa lungsod. "Kilala silang pusher sa lugar kapagka ano, ikokontak mo lang ang isa sa kanila, makaka-order ka na ng ganung kalaking halaga ng shabu," paliwanag ng ahente. Tumangging magbigay ng pahayag sa media ang dalawang suspek. - FRJ, GMA News