GMA News Online
Ulat Filipino
»
Balitang Pinoy

Pinuno ng UN, nanawagan ng mapayapang solusyon sa sigalot sa West PHL Sea

January 23, 2013 11:27am
Nanawagan si UN leader Ban Ki-moon nitong Martes sa China at sa iba pang mga bansa sa Asya, kabilang na ang Pilipinas, na mapayapang solusyon sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea o South China Sea.

Ilang bahagi ng South China Sea ay tinatawag ng Pilipinas na West Philippine Sea.
 
Nang tanungin tungkol sa desisyon ng Pilipinas na ikonsulta ang kaso sa UN tribunal, inihayag ni Ban na masusi niyang sinusundan ang alitan.
 
"It is important for those countries in the region to resolve all these issues through dialogue in a peaceful and amicable way," aniya.
 
Dagdag niya, handa ang United Nations "to provide technical and professional assistance, but primarily all these issues should be resolved by the parties concerned."
 
Kapwang nag-aagawan ang China, Pilipinas, Brunei, Malaysia, Vietnam at Taiwan sa ilang mga teritoryo sa South China Sea.
 
Inanunsyo ng gobyerno ng Pilipinas nitong Martes na hihilingin nito sa isang arbitration panel sa ilalim ng UN Convention on the Law of the Sea—ang 1982 treaty na pinirmahan ng dalawang bansa—na aregluhin ang mga inaangkin ng China.
 
Ayon kay Philippine Foreign Secretary Albert del Rosario, "The Philippines has exhausted almost all political and diplomatic avenues for a peaceful negotiated settlement of its maritime dispute with China."
 
Sa loob ng dalawang taon, kapwang inirereklamo ng Pilipinas at Vietnam ang mapamilit na pag-angkin ng China sa ilang mga lugar na pinaniniwalaang mayaman sa langis at natural gas reserves.
 
Nauna nang inihayag ng China na ang mga inaangkin ng kanilang mga katunggali ay dapat maayos sa pamamagitan ng mga negosasyon. Amanda Fernandez/RSJ, GMA News



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
advertisement
advertisement
advertisement