ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Ilang evacuees sa Davao City dahil sa pagbaha, nagkakasakit na


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dahil sa pagsisiksikan sa evacuation center, ilang nagsilikas dahil sa matinding pagbaha sa Davao City ang nagkakahawahan na ng sakit. Sa ulat ni Marlon Palma-Gil ng GMA-Davao sa Balita Pilipinas Ngayon nitong Miyerkules, sinabing lagnat, pagtatae, sipon at ubo ang karaniwang sakit ng mga tao sa evacuation center sa barangay Tigato. Ang nabanggit na barangay ang isa sa mga lugar sa lungsod na matinding nasalanta ng pagbaha kaya isinailalim ito sa state of calamity. Dahil sa pagkakasakit ng mga evacuees, naglagay na dito ng health station ang City Health Office upang kaagad na matulungan ang mga tao. Pinayuhan din ang mga nasa evacuation center na kaagad magpakonsulta at huwag nang patagalin pa kung mayroon silang masamang nararamdam sa katawan. Samantala, nagbigay naman ng tulong sa mga evacuees ang GMA-Davao at GMA-Kapuso Foundation. Bukod sa mga gamot at relief goods, nagbigay din ng mainit na lugaw sa evacuees ang GMA na ikinalugod naman ng mga tao. Sinabi ni Mariles Puentevella, manager ng GMA-Davao, na ang tulong ay pagpapakita na laging nakaaalay ang mga Kapuso sa mga nangangailangan. -- FRJ, GMA News