ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Isabel Oli at Marian Rivera, pag-ibig ang birthday wish kay Glaiza de Castro


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Masaya ang selebrasyon ng ika-25 na kaarawan ng Temptation of Wife star na si Glaiza de Castro na idinaos noong Martes ng gabi, na dinaluhan ng malalapit niyang kaibigan sa showbiz tulad nina Marian Rivera, Rafael Rosell, at Isabel Oli.
 
Ano naman kay ang birthday wish nila para kay Glaiza?
 
"Magkaroon siya ng moment na may kasamang, hindi isa sa mga mahal niya sa buhay, ibang kapiling," pabirong sabi ni Marian sa ulat ni Cata Tibayan sa Chika Minute ng 24 Oras noong Miyerkules, 
 
Para naman kay Isabel, "More success and more blessings talaga, happiness, and love."
 
 
Samantala, lalong nakumpleto ang kaarawan ni Glaiza ng malaman niyang nanalo siya bilang "Most Popular TV Series Villain" sa 2012 Favorite Movies and Television Shows and Music Awards (FMTM), isang informal online celebrity survey.
 
Siya kasi ang nakakuha ng pinakamataas na boto para sa nasabing kategorya dahil sa pagganap niya bilang Heidi sa Temptation of Wife.
 
Ani Glaiza, "Nagpapasalamat ako dahil worth it naman nong lahat ng pagod. Alam naman nating nagsu-struggle ako dahil hindi ako sanay sa ganong klaseng role and big step talaga siya." — Mac Macapendeg/RSJ, GMA News