ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Kapuso stars, makikisaya sa Dinagyang Festival ng Iloilo
By Mac Macapendeg, GMA News
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Makikisaya ngayong Linggo ang ilang Kapuso stars sa isa sa mga engrandeng selebrasyon sa Iloilo, ang Dinagyang Festival.
Salubungin ang Kapuso talents na sina Aljur Abrenica, Kris Bernal, Mark Herras, Frencheska Farr, at Mike Tan ngayong Enero 25, sa Kapuso Night na gaganapin sa Robinson’s Place Iloilo Fountain Area sa ganap na alas-singko ng hapon.
Sa susunod na araw, Enero 26, masisilayan naman ang cast ng pinakabagong epic fantaserye ng GMA-7 na "Indio" na sina Senator Bong Revilla Jr., Jennylyn Mercado, at Rhian Ramos sa Kasaydahan Parade sa ganap na ala-una ng hapon.
Pagkatapos naman nito ay makiki-bonding isla sa kanilang fans sa Kapuso Mall Show na idaraos sa SM City Iloilo Parking Area sa alas-kuwatro ng hapon.
Linggo ng gabi, mapapanood ang Kapuso talents na sina Chynna Ortaleza, Vaness del Moral, Moymoy Palaboy, at Kris Lawrence sa Dinagyang Festival Closing Ceremonies.
Wika pa ni Mr. Jonathan Cabillon, GMA Iloilo Station Manager , “We all look forward in our participation in the festival and we hope that our star-studded line-up of events will surely make the Ilonggos’ weekend more vibrant and exciting.”
Makikita ang partisipasyon ng GMA Network sa Dinagyang Festival sa weekly travelogue na "Let's Fiesta" na mapapanood sa Pebrero 24 sa regional stations ng GMA sa Bicol, Cebu, Davao, Iloilo, Dagupan, Ilocos, GenSan, Bacolod, at Cagayan De Oro. — ELR, GMA News
More Videos
Most Popular