ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Best Men: Troy Montero, Interview with Marian Rivera, at Zoobic Safari with Ryza Cenon


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
TROY MONTERO, INTERVIEW WITH MARIAN RIVERA, AT ZOOBIC SAFARI WITH RYZA CENON SA BEST MEN BEST MEN Airing date: January 28, 2013                        Isa na namang makapigil hiningang adventure ang haharapin ng mga host na sina Jun V at RJ Ledesma! Muli nilang makakasama ang sexy kontrabida na si Ryza Cenon para sa part 2 ng kanilnag Subic Adventure! Ngayong Lunes, pagpapakain naman ng mga tigre ang kanilang hamon! At para naman kay Ryza, uubra kaya ang kanyang pagiging kontrabida sa piling ng mga ahas? Sa wakas at nagpaunlak na rin si Marian Rivera para sa isang daring sexy pictorial sa isang pamosong men's magazine! Sold out ito sa lahat ng mga magazine stand?! Syempre bibisita ang Best Men sa autograph signing ng sexy actress kasama si Tado para sa isang personal na panayam sa pinakabagong cover ng FHM magazine! Para naman sa ating Best Men of the Week, makakasama natin ang hunk na si Troy Montero! I-isangtabi muna natin ang kanyang perfect body at aalamin ang kanyang pinagkakaabalahan sa likod ng camera! Alam niyo bang isa siyang CEO ng kanyang sariling tatag na kumpanya na "Welovepost?" Abangan ang kanyang success story bilang isang bossing! Hindi rin kami papahuli pagdating sa fashion tips! Ngayong Lunes, tuturuan natin ang mga kalalakihan na mag mix and match ng kanilang mga lumang damit! Hindi na kelangan ng bagong set ng wardrobe ngayong 2013, tutok na para sa inyong kakaibang reinvention ng japorms! Makikilala rin natin ang isang self-confessed male shop-a-holic! Kung akala niyo ay babae lang ang may ganitong problema, aba, nagkakamali kayo! Dahil ang ibang mga macho, mahilig rin sa shopping at tila naging bisyo na ito! Bukod sa sobrang paggastos sa gamit na hindi naman kailangan, mukhang nababaon na rin sa utang ang ibang mga lalaki dahil  bisyong ito! Pumapakyaw sa saya at umaapaw sa impormasyon at bagong kaalaman na naman ang handog ng Best Men ngayong Lunes, 10:30 PM, sa GMA News TV-11! The best ang Monday dahil ito ay Best Men day!