We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ipinakilala sina Eugene Domingo at celebrity Chef Dino Ferrari bilang mga bagong host ng Del Monte Kitchenomics sa ginanap na press conference sa GMA Network Building nitong Lunes, Enero 28 . Mac Macapendeg, GMA News
"You cannot do it alone," ito ang pahayag ng award-winning actress na si Eugene Domingo nang tanungin kung anong maipapayo niya sa mga babae at lalaking nais magkaroon ng malusog na pamumuhay. "You have to consult a dietician or read books, research, you have to do it the right way para mas permanent," wika niya. "It is a lifestyle, it is not just for you to be able to wear that beautiful pants na pang Anne Curtis or pang Marian Rivera. " Kitang-kita kasi sa idinaraos na press conference nitong Lunes sa GMA Network building para sa programang Del Monte Kitchenomics, kung saan siya ang napiling host kasama si Chef Dino Ferrari, ang pagkabawas sa timbang ng aktres. "Kailangan maging part siya ng daily activity mo, makasanayan mo na, ito 'yong choice of food, ito 'yong portion, at conscious ka because you want to be healthy," saad ng aktres. Kung dati'y nasa 127 pounds ang timbang ng aktres, ngayon ay mahigit kumulang sa 114 pounds na lang daw siya. Nilinaw din ng aktres na hindi siya nagpapayat para sa isang tao o para maisuot ang kanyang mga gustong damit, kung hindi para sa kanyang sarili dahil nakakapagod ang kanyang trabaho. Aniya, “Unang-una sa lahat, hindi lang ako nagpapayat para maisuot ko 'yong gusto kong isuot. I also want to be healthy kasi yung trabaho ko, kailangan maliksi ako, eh. Hindi puwedeng parang hindi ko mabuhat ang sarili ko." "'Yong mga roles na gusto kong gawin, mas marami, mas flexible, mas efficient kong gagampanan kung healthy ako. 'Di ba mas magandang tingnan lalo na hindi naman ako katangkaran, hindi naman ako model. Sana naman kasya ako sa frame," pabiro pa niyang pahayag. Dagdag pa niya: "Kailangan naman, 'di ba? Maganda naman ang hitsura ko, malay mo may magandahan na sa'kin 'di ba? Eh, siyempre kailangan presentable." Still Single Sa kabila ng tinatamong kasikatan, sinabi ng award-winning actress na nananatili pa rin siyang single ngayon. "At this point...alam mo talagang umabot naman ako sa point na hindi ko na inaasahang na lahat pala nito na na-achieve ko. Hindi na ako parang, I will not hesitate to tell you na siguro naman medyo malayo-layo na 'yong narating ko, lampas na sa pinangarap ko," pahayag ni Eugene. Kaya naman kung ipahihintulot ng Diyos ang makahanap siya ng lalaking para sa kanya, handa raw siyang magpahinga sa kanyang trabaho bilang aktres para sa kanyang magiging pamilya. "Kung ipapahintulot ng Diyos na maghinay-hinay ka muna sa career mo, binigay ko na sa'yo 'yong lalaking para sa'yo, yes, I'm always willing to give up my career for a short time just to focus on the family kung ibibigay ng Panginoon," wika nito. Tugon pa Eugene sa isang tanong ng press: "Sana ipahintulot, hindi naman natin hawak 'yan eh. Pero tama ka naman sa tanong mo, kung saka-sakaling dumating 'yon, siguro naman 'di ba, tama na ang panahon na pagbigyan ko naman 'yong side na 'yon ng buhay ko bilang babae at hindi naman ibig sabihin na hindi ka na mag-aartista." Bagong cooking show Si Eugene ang napiling host sa bagong season ng five-minute cooking show ng GMA-7 na Del Monte Kitchenomics, na dating pinangunahan nina Jolina Magdangal at Maricel Laxa. Makakasama ni Eugene sa show ang celebrity chef na si Dino Ferrari. "Nostalgic ako dito sa pagkuha nila sa akin. Kasi 80's pa 'yong Del Monte Kitchenomics, napapanood ko ito at hindi ko naimagine na kukunin nila ako to be a part of their Del Monte Kitchenomics family. So natutuwa ako kasi dumating siya sa time na I really want to learn how to cook," paglalahad ng premyadong aktres. Bukod dito, isa na raw sa mga nakahiligan ng aktres ang pagluluto bago pa man siya napiling host sa nasabing palabas. Sa katunayan, ipinagluluto raw niya ang mga katrabaho at mga kaibigan kapag bumibisita sa kanyang bahay. "Mahilig akong magluto, mahilig akong mag-entertain. Gusto ko 'yong dumarating sa bahay ko, gutom na gutom, o kaya napakatakaw," kwento ni Eugene. "Tapos gusto ko 'yong nagse-second round sila so, nagse-second round sila. Gusto ko busog 'yong mga katrabaho ko. Gusto ko 'yong parang (may tanong na) 'papaano mo 'to ginawa?' Yung ganun." Para sa aktres, tila may ibang kakayahan daw ang isang taong marunong magluto. "Kasi nga sabi ko kanina, kung sino 'yong nasa kusina, kung sino 'yong marunong magluto, parang meron siyang power, 'di ba? So, gusto ko pang matuto, gusto ko pa maging powerful," pahayag nito. Gayundin, kung isang pelikula ang pagluluto, ano naman kaya ang tema nito? "Siyempre ayaw ko ng horror, 'di ba? Ayaw ko ng bloody, ayaw ko rin ng action, siguro romcom [romantic comedy,]" pabirong sagot ni Eugene. At kung magkakaroon nga ng ganitong uri ng pelikula, si Chef Dino raw ang gusto niyang makatambal. Abangan ang Del Monte Kitchenomics tuwing Miyerkules, Sabado sa ganap na11:55 ng tanghali at Linggo tuwing 10:30 ng umaga sa GMA-7. -- Mac Macapendeg/FRJ, GMA News