GMA News Online
Ulat Filipino
»
Balitang Pinoy

Ekonomiya ng Pilipinas, lumago ng 6.6% noong 2012

January 31, 2013 2:04pm
Lumago ng 6.6 porsyento noong nakaraang taon ang ekonomiya ng bansa, ayon sa National Statistical Coordination Board.

Sa isang briefing nitong Huwebes, sinabi ni NSCB chief Jose Ramon Albert na ang paglago ng ekonomiya ay lagpas pa sa inaasahan ng mga ekonomista, lending institutions, at ng gobyerno mismo.

Aniya, ang pag-angat ng ekonomiya ay dahil sa paglakas ng mga sektor sa serbisyo, kalakalan, real estate at construction.

Gayun din, ang paglago umano ng ekonomiya noong 2012 ay 'di hamak na mas mataas kung ikokumpara sa 37 porsyentong paglago nito noong 2011, at bahagyang mas mataas sa inaasahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) na 6.5 porsyentong GDP growth.
 
Mas mataas din ang 2012 growth sa media market forecast na 6.2 poryento.

“The increase was fueled by the robust performance of the services sector led by trade and real estate, renting and business activities as well as the substantial improvements of manufacturing and construction,” ayon sa NSCB sa isang hiwalay ng pahayag.
 
“On the demand side, household final consumption expenditure together with government spending, the recovery of capital formation and the remarkable performance of the external trade contributed to the healthy growth of the economy in the fourth quarter and the whole year of 2012,” dagdag pa ng NSCB.

Vietnam, Singapore naungusan 

Sa kabila ng epekto ng krisis pang-ekonomiya sa US at sa Uropa, lumago pa rin ang ekonomiya ng bansa, ayon naman kay Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan, na nandoon din sa briefing noong Huwebes.
 
“It now seems the growth target of 5-6 percent was a bit low, but at the start it seemed like a fighting target,” aniya.

Dagdag pa niya, nalagpasan ng Pilipinas noong 2012 ang output ng Vietnam (5.4 percent) at ng Singapore (1.1 percent).

Karamihan ng mga bansa sa Asya ay hindi pa nakapaglathala ng kani-kanilang mga economic data.
 
Aniya, "the Philippine output was fueled by the robust performance of the services sector led by trade and real estate, renting and business activities as well as the substantial improvements of manufacturing and construction.”

Samatala, ipinakikita ng mga datos ng NSCB na ang public construction ay tumaas ng 32.4 porsyento mula sa 31.8 porsyento noong 2011, samantalang ang private construction ay tumaas ng 8.6 porsyento kumpara sa 4.5 porsyento na pagtaas noong 2011.
 
“In the last two quarters, we are seeing an increasing pace in industry sector that diminishes the contribution of consumption,” ayon kay Balisacan.
 
Dagdag pa niya, nagsilbing tungtungan ng pag-angat ng eknomiya ang household consumption at public spending sa buong 2012, lalo na sa fourth quarter ng taon.

Ngunit sinabi rin niyang tumamlay ang household consumption na nagtala ng 6.1 porsyentong paglago kumpara sa 6.3 porsyento noong 2011.
 
Tumaas naman umano ang government spending ng 11.8 percent mula 1.0 porsyento noong 2011. — LBG, GMA News



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
advertisement
advertisement
advertisement