ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Silipin ang buhay nina Katrina Halili at Kris Lawrence kasama ng kanilang baby


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Silipin ang buhay nina Katrina Halili at Kris Lawrence kasama ng kanilang baby "Hindi po namin plinano na magka-baby, pero syempre blessing yun, bigay ni God e. Next chapter na ito. Tinanggap naman namin and happy naman kami." Nagsimula ang love story nina Katrina at Kris sa Amerika. Ipinakilala raw kay Katrina si Kris pero noong una ay parang wala lang. Pero nang marining ng dalaga ang magandang tinig ng binata, parang na-gayuma raw siya. "Aba siyempre, kapag magaling kumanta gumagwapo talaga 'di ba?" Bukod pa raw dito, mabait at magalang si Kris sa kanya at sa kanyang magulang kaya naman tuluyan nang nahulog ang loob ni Katrina. Si baby Katie ang naging bunga ng pagmamahalan nila ni Kris. Kung panay gimik ang inaatupag dati ni Kris, nilalaan na niya ngayon ang libreng oras para kay Katrina at sa anak na si Katie. Kapag natapos sa trabaho ay nagmamadali siyang umuwi para makita ang dalawa. Kakaibang saya raw ang dulot ng pagiging isang daddy.  Bonding daw nina Katrina at Kris ang makipaglaro kay Katie. Si Kris pa nga raw minsan ang nagpapalit ng diapers ni baby. Dinala rin nila sa baby spa si Katie at nag-aral sina Katrina at Lawrence kung paano gawin ang baby massage. Malaki rin daw ang naging pagbabago pagdating sa usaping pera. Sa pag-shopping, imbes na ibili ng gamit pang-sarili, inuuna nila ang mga pangangailangan ni baby. Ang buhay sa likod ng camera nina Katrina Halili at Kris Lawrence ay mapapanood sa Follow That Star, 8:00 PM sa GMA News TV.