GMA News Online
Public Affairs
»
Kapuso Mo, Jessica Soho

Kapuso Mo, Jessica Soho

Kinakikiligang cyber heartthrobs, tampok sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho'

January 31, 2013 9:24pm

Tags: Abra
Kapuso Mo, Jessica Soho
Kulinarya Filipina, Manika Mania, Cyber Heartthrobs, Indio at Mukha
Airing Date: February 3, 2013

Kulinarya Filipina



Bukod sa magagandang tanawin, ang bawat rehiyon sa Pilipinas may tinatagong sarap. At para raw higit na matuklasan ang ganda at linamnam ng ating bayan, nauuso ngayon ang mga Culinary Tours kung saan makakapasyal ka na, mabubusog ka pa!

Manika Mania



Ang mahigit 50 Barbie dolls ni Alynna, nasira noong bagyong Ondoy at yung iba naman, nang nanalasa ang habagat.  Dahil nanghihinayang, naghahanap siya ng paraan kung paano maibabalik sa dati nitong ganda ang kanyang koleksyon. Mabuti nga raw sa Amerika at merong doll hospitals kung saan nirerestore o pinagmumukhang brand new ang mga luma o sirang manika.

Mukha



Simula pagkabata, iba na ang bigat na dinadala ng teenager na si Romar. Halos dumoble na kasi ang laki ng kanyang ulo dahil sa isang napakalaking bukol sa kanyang mukha. Paano haharapin ni Romar ang buhay dala ang karamdamang sumisira ngayon sa kanyang itsura?

Indio



Indio ang katawagan noon ng mga Kastila sa mga katutubong Malay sa Pilipinas. Sa tulong ng panibagong epic-seryeng Indio, hindi lang nito sasariwain ang ating kasaysayan, kikilitiin din nito ang ating imahinasyon sa kamangha-mangha nitong istorya, set, costume designs at visual effects. Ngayong Linggo, silipin natin ang pinaka-grandiosong telepantasya sa kasaysayan ng Philippine television.

Cyber Heartthrobs



Ang pinakabagong tinitilian daw ngayon ng mga kababaihan, makikita na online!  Wala po sila sa showbiz, pero feeling artista na raw.  Kilalanin natin ang mga heartthrobs daw na nagpapakilig ngayon sa internet!

Ito ang mga kwentong inyong aabangan sa programa kung saan laging trending ang usapan! Kapuso Mo, Jessica Soho, 7:45 PM sa GMA-7!

Tags: Abra



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus