ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Dennis Trillo and Glaiza de Castro in Sarap Diva this Saturday


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sa Sabado, ang mga Kapuso star ng primetime drama na Temptation of Wife ang makakasama sa kusina ng Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid sa Sarap Diva. Kasabay ng paghahanda ng masasarap na lutuing "pampainit" ngayong "love month", uusisain ni Regine ang private life nina Dennis Trillo at Glaiza de Castro. Ano nga ba ang nararamdaman nina Dennis at Glaiza sa maiinit nilang eksena sa Temptation of Wife? Kamusta na ang kanilang love life? Samahan sina Regine, Dennis at Glaiza kung papaano lutuin ang popular na aphrodisiac foods na oysters at matuto ng cooking skills with a sexy twist sa paghahanda ng grilled chicken. Sa Sabado na 'yan, February 2, Sarap Diva sa ganap na 9:45 a.m. sa GMA-7. - FRJ, GMA News