ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Kaso ng hit-and-run, isyung tinutukan sa 'Brigada'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Brigada Coco Loko, Hit and Run, at Fish Tayo sa Brigada Airing Date: February 4, 2013 COCO LOKO? Nagkaroon man ng coconut craze sa buong mundo, hindi raw ito naging dahilan para umunlad din ang buhay ng mga coconut farmers dito sa Pilipinas. Katunayan, ang ilang coconut farmers na nahanap ni Cesar Apolinario sa Lopez, Quezon umabot na sa puntong ipinagbebenta ang sarili nilang mga kidney maisalba lang ang kanilang kabuhayan. HIT AND RUN Agaw-pansin ang mga nakapaskil na larawan ng isang lalaki sa kahabaan ng Aguinaldo Hi-way sa Cavite na biktima umano ng hit and run at humihingi ng hustisya. Inalam ni Claire Delfin kung nararapat nga bang bansagang "killer highway" ang naturang kalsada dahil sa dami na rin daw ng mga na-hit and run dito. FISH TAYO! Ang isa sa mga kinahuhumalingang pampaswerte ngayon sa buhay at negosyo ang mga isda katulad ng koi at flowerhorn. Nakilala ni Micaela Papa ang ilang kolektor ng mga lucky fishes na ito at inalam ang mga tips kung paano masusulit ang diumano'y hatid ng mga itong buwenas. Sa pangunguna ni Ms. Jessica Soho patuloy nating bantayan ang mga isyu ng bayan ngayong Lunes, alas-otso ng gabi. Dahil lahat tayo kasama sa iisang Brigada!