ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Derrick Monasterio at Alden Richards, ipinasilip ang mga bagong sasakyan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Kapwa maganda ang takbo ng karera ng Kapuso stars na sina Alden Richards at Derrick Monasterio sa dalawang taon nila sa show business. At ang bunga ng kanilang kasipagan ay ang nabili nilang bagong sasakyan.
 
Ipinasilip ni Alden ang kanyang bagong Hyundai sport utility vehicle, samantalang si Derrick naman ay ipinakita ang kanyang bagong Mitsubishi SUV, sa ulat ni Lhar Santiago sa Chika Minute ng 24 Oras noong Lunes. 
 
Wika pa ni Alden, "Sa awa naman ng Diyos, ang daming out of town shows, medyo nadagdagan 'yong endorsements, kaya [sabi ko] 'Uy! pwede na 'to' kaya pinag-down ko siya [ang pera] and then babayaran ko siya for five years."
 
Ayon naman kay Derrick, "Napaka-fulfilling at saka napakasaya. Parang at last, nagbunga na 'yong pinaghirapan niyo po, na parang dati hinihiling-hiling ko lang po, ganon."
 
Gayundin, malaking ginhawa raw para sa kanilang dalawa ang bago nilang naipundar na sasakyan.
 
"Nagpa-plan na talaga akong kumuha ng kotse this year kasi naliliitan na rin ako doon sa secondhand kotse ko before," batid ni Alden.
 
Si Derrick naman daw ay nakikisabay lang noon sa production service papunta sa mga taping at pati na rin pauwi.
 
Maliban dito, tila karugtong na raw ng kanilang bahay ang nabili nilang SUV dahil naroon na rin ang ilan nilang gamit para sa taping at iba pang trabaho.
 
"Ito po 'yong mas nagpapa-motivate po sa 'kin na mas ayusin ko po 'yong trabaho ko at saka, ayon, I'm happy, I'm happy na may naipundar na po ako kahit papaano sa aking two years in show business," pahayag ni Derrick.
 
Kasalukuyang napapanood si Derrick sa "Paroa: Ang Kwento ni Mariposa" kasama ang katambal nitong si Barbie Forteza, at mapapabilang din siya sa bagong sitcom ni Vic Sotto na "Vampire Ang Daddy Ko."
 
Napanood naman si Alden bilang binatang Sen. Bong Revilla Jr. sa palabas na "Indio" at bibida rin siya sa bagong soap opera kasama ang katambal na si Louise delos Reyes. —Mac Macapendeg/KG, GMA News