ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Nag-iinuman sa Iloilo City, nabulabog sa inihagis na pekeng granada


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Inaresto ng mga awtoridad ang isang lalaki sa Iloilo City dahil sa paghahagis ng isang replika ng granada sa isang grupo ng mga lalaking nag-iinuman na bumastos umano sa kanyang live-in partner. Bukod sa nasabing pekeng granada, sinabi sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon, na isang pakete na may laman na hinihinalang shabu ang nakita sa tinutuluyang boarding house ng suspek. Paliwanag ng suspek, inihagis niya sa mga nag-iinuman ang replika ng granada para makaganti sa ginawang pambabastos sa kanyang live-in partner. Nang rumesponde ang mga pulis, hinalughog din nila ang boarding house na tinutuluyan ng suspek para matiyak na wala itong itinatagong armas. Doon na umano nakita ng mga pulis ang isang pakete na hinihinalang shabu. Tumangging magbigay ng pahayag ang lalaki tungkol dito. Nahaharap ang suspek sa iba't ibang kaso. - FRJ, GMA News