ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Trak vs jeepney: 2 katao ang patay, 3 ang sugatan sa Pangasinan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Patay ang drayber ng isang pampasaherong jeepney at isa niyang pasahero nang salpukin ng kasalubong na trak ang kanilang sasakyan sa Mabini, Pangasinan nitong Huwebes. Sa ulat ni Katrina Aquino ng GMA-Dagupan sa Balita Pilipinas Ngayon, sinabing malubhang nasugatan ang isa pang pasahero sa jeepney, ang driver ng trak, at kanyang pahinante. Sa lakas ng banggaan, parehong nawasak ang unahang bahagi ng trak at jeepney. Lumitaw sa imbestigasyon na nawalan umano ng preno ang trak matapos mag-overtake sa sinusundan nitong tricycle. Kinain ng trak ang kabilang linya ng kalsada at nabangga ang kasalubong na jeepney. Sasampahan ng kaso ang drayber ng trak paglabas nito sa ospital. - FRJ, GMA News