ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Best Men Valentine's special: Dream date with a beauty queen and dating tips
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
DREAM VALENTINE'S DATE WITH A BEAUTY QUEEN, UNIQUE DATING PLACES, AT IBA'T-IBANG KAHULUGAN NG HOLDING HANDS BEST MEN VALENTINE'S SPECIAL Airing date: February 11, 2013 Hanggang pangarap na lang ba sa isang ordinaryong “adan” ang maka-date ang isang hinahangaang beauty queen?! Puwes dito sa Best Men, tutuparin natin ang dream date ng isang deserving na “adan” ngayong buwan ng pag-ibig! Sino kaya ang mapalad na maging Valentine date ng Miss World Philippines 2011, 2nd Princess na si Chloe Dauden? Sasabak tayo sa isang dating game with a twist: ang tatlong mapalad na kalalakihan ay hindi basta-basta makakaporma at makakaboka dahil ang tanging ticket nila sa inaasam na dream date ay ang kanilang mga kwarto! Isang surpresang room raid ang gagawin ng ating beauty queen at ito ang magiging basehan niya kung sino sa kanila ang mapipili! Maghanda na sa isang makulit at nakakatuwang dating game ng Best Men kasama ang isang matikas na guest host na si Sam YG! Tuwing sasapit ang Valentine’s day, tiyak nagkakandarapa na naman ang lahat ng mga Best Men para sa sa isang bagong gimik at sa paghahanap ng mga bago at kakaibang dating experience. Relax, si Pareng Tado ang bahala sa inyo! “Imbi-Tado” na naman tayo sa mga lugar na pupuntahan ng ating guest host para sa siksik na Valentine’s date tips at syempre para siguraduhing memorable at makulay ang magiging date niyo ngayong araw ng mga puso! Sa “dating” naman, may tinatawag tayong 1st base, 2nd base at 3rd base pero para sa mga dalagang Pilipina, ang 1st base na ibig sabihin ay “kissing,” tiyak hindi basta-basta uubra! Ang totoong unang physical contact na ating magagawa ay ang holding hands! Pero hindi rin ito basta-basta! Ingat sa mga da-moves, mga Best Men, at baka ma-ilang ang inyong ka-date at ang Valentine’s day ay tuluyang masira! Alamin kung paano at ano ang perfect time para maisagawa ang holding hands sa isang date at syempre, ilalahad din namin ang mga kahulugan ng iba’t-ibang posisyon ng paghahawak kamay! At dahil punong-puno ng emosyon ang buwan ng pag-ibig, ipapakita ng batikang Joel Torre ang kanyang kakaibang kakayahan sa pag-arte! Isang drama class at acting 101 ang handog ng ating Best Men of the week! At bukod sa acting, alamin din ang kanyang passion sa pagluluto ng masarap na chicken inasal! Isang nakakakilig, nakaka-in love, at umaapaw sa mga importanteng Valentine’s day diskarte tips ang handog ng Best Men ngayong Lunes, 10:30 PM sa GMA News TV channel 11! The Best ang Monday, dahil ito ay Best Men day!
More Videos
Most Popular