ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

SC, hindi pa naghain ng TRO sa paglilimita ng airtime ng ads ng pangangampanya


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ipinagliban muna ng Korte Suprema nitong Martes ang paghahain ng temporary restraining order laban sa dalawang resolusyon ng Commission on Election (Comelec) na naglilimita sa airtime ng mga political advertisement sa radyo at telebisyon. Sa halip, inatasan ng Korte—sa kanilang en banc session—ang Comelec na sagutin sa loob ng sampung araw ang mga alegasyong nakasaad sa magkakahiwalay na petisyong inihain ng GMA Network Corp. at ABC Broadcasting Corp. (TV5). Kinukwestiyon ng dalawang network ang legalidad ng Resolution 9615 ng Comelec na inilabas noong Enero, at ang Resolution 9631 noong Pebrero, na itinatakdang 120 minuto lamang ang kabuuong bilang ng mga minuto para sa broadcast campaign ng mga lokal o pambansang kandidato. Ayon sa dalawang organisasyon, pinipigilan umano nito ang karapatan ng mga tao na makilala ang kanilang mga kandidato. Ayon sa GMA, nilalabag umano ng mga resolusyon ito ang karapatan ng mga tao "to suffrage under Article V, Section 1 of the Constitution and infringe on the constitutionally-guaranteed right to speech, of the press and of expression." Samantala, iginiit naman ng TV5 na ang dalawang resolusyon ay “replete with constitutional infirmities and will negatively impact its ability to freely deliver vital news and information to the public, especially during such a crucial time of elections.” — Mandy Fernandez/DVM, GMA News