ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Bunso, nabigong iligtas ng ina sa pagkalunod sa Iloilo


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nasawi ang isang siyam-na-taong-gulang na babae, habang nailigtas naman ang dalawa niyang kapatid nang malunod sila sa ilog sa Barotac Viejo sa Iloilo. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV nitong Miyerkules, sinabing nagtungo sa ilog ang ina kasama ang kanyang tatlong anak para maglaba. Nagkaayaan umano ang mga bata na pumunta sa kabilang bahaging pampang sa pamamagitan ng pagtawid sa ilog. Dahil hindi marunong lumangoy ang mga bata, nalunod ang mga ito nang mapunta sa malalim ng bahagi ng tubig. Sinikap naman ng ina na iligtas ang mga anak pero nabitiwan umano nito ang kanyang bunso. Nakuha ng mga residente ang bata pero hindi na siya umabot ng buhay sa ospital. Ligtas naman ang dalawa niyang kapatid. - FRJ, GMA News