ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Roberto Ongpin, naghain ng 'not guilty' plea sa Sandiganbayan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Naghain ng "not guilty" plea sa Sandiganbayan sa kinakaharap na two-count of graft case ang dating Trade Minister na si Roberto Ongpin kaugnay sa umano'y P660-milyong behest loan na nakuha nito sa government banks. Sa isinagawang conditional arraignment nitong Miyerkules, naghain ng not guilty plea si Ongpin sa Sandiganbayan kaugnay sa two-count of graft na isinampa sa kanya at sa dalawang dating opisyal ng Development Bank of the Philippines (DBP). Naghain ng P80,000 piyansa ang dating opisyal para sa kanyang pansamantalang kalayaan. (Basahin: Ongpin: I was not a front for Mike Arroyo in DBP loans) Binasahan ng sakdal si Ongpin bilang private citizen dahil sa umano'y behest loan na ibinigay ng bangko sa Delta Ventures Resources, Inc. na pinamamahalaan niya. Ang pagdinig ay isinagawa nitong Miyerkules para talakayin ng korte ang planong paglabas ng bansa ni Ongpin. Inihayag sa korte ni Atty. Alexander Poblador, abogado ni Ongpin, na lilipad patungong France, United Kingdom, Spain, Italy, the Netherlands at Hong Kong ang kanyang kliyente simula sa Pebrero 24 hanggang Marso 25. Ang naturang biyahe ay pawang may kaugnayan umano sa negosyo ng dating opisyal. Maglalabas naman ng desisyon ang korte kung papayagan si Ongpin na umalis ng bansa kapag naibigay na nito ang buong detalye sa mga lugar na pupuntahan. Sa sandaling payagan na lumabas ng bansa, magtatakda ang korte kung magkano ang travel bond na kailangang ilagak ni Ongpin. (Basahin: Ombudsman to file criminal charges vs. Roberto Ongpin, 24 others) Kapwa akusado ni Ongpin sa kaso ang dating presidente at vice-chairman ng DBP na si Reynaldo David at dating senior executive vice-president na si Armando Samia. - RP/FRJ, GMA News