ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ogie, Regine, Martin at Pops handa na sa kanilang 'Foursome' concert


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Handang-handa nang magpakilig sina Ogie Alcasid, Regine Velasquez– Alcasid, Martin Nievera at Pops Fernandez sa kanilang Valentine's Day concert na binansagang "Foursome" ngayong Huwebes ng gabi sa Mall of Asia Arena, Pasay City. Tiyak daw na kikiligan ang mga tagahanga sa mga kantang ipanghaharana nila mamaya. Wika pa ni Ogie sa ulat sa Unang Balita ngayong Huwebes, "A lot of love songs and masaya, masaya 'yung show. Maraming tawanan, maraming tuksuhan, maraming kulitan." Miyerkules pa lang ay excited na ang apat para sa kanilang mga performance sa ilalim ng direksyon ng beteranong concert director na si Ruel Santiago. Kwento ng direktor, "Maganda dito is maraming kantang pwedeng sabayan and tutal Valentine naman, maraming love songs talaga." — Mac Macapendeg/KBK, GMA News