ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ara Mina, maghahanap ng good samaritan sa perya para sa 'Wish Ko Lang'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Isa sa paboritong dinadayo ng mga Pinoy ay ang mga peryahan sa mga pistahan. May mga palaro na may pa-premyo at mga kakaibang atraksiyon na nakakamangha sa mata ng mga parokyano. Ang mga nagtatanghal daw rito, personal na buhay ay isinasantabi, makapaghatid lang ng saya sa perya. Ngunit mahirap dito, hindi raw sulit ang pagsugal ng buhay dahil kapalit ng ginagawa ay barya lamang.
 
Ganito ang magaganap na eksena sa isasagawang eksperimento ng Wish Ko Lang!. Sa tulong ng artistang si Ara Mina, siya ay magpapanggap na isang malupit na amo na umaabuso sa ang kanyang trabahador.
 
Noong nakaraang taon, naipalabas naman ang kuwento ni Mico, ang binatang sinabuyan ng asido kaya ang mukha ay nasira at ang isang mata ay nabulag. Marami ang humanga sa pinakita niyang katatagan. Ang iba nama’y nag-alay ng agarang tulong sa kanya kaya nasimulan ng magamot ang mga sugat niya. Habang si Jenny, ang misis na sobrang bigat at taba, nag-wish na gusto na niyang pumayat. Sumailalim siya sa bariatric surgery at ang huling balita, marami na ang nabawas sa kanyang timbang.
 
Mapapansin kaya ng mga tao ang sakripisyo ng isang taong-perya? Sino ang may busilak na kalooban na handang ipagtanggol ang kanyang kapwang minamaltrato? Sino ang susunod na modernong Mabuting Samaritano?... At alamin din ang mga pagbabago kina Mico at Jenny… Abangan sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Startalk sa GMA-7.
Tags: plug