ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

LJ Reyes, dating experiment, at pag-mix and match ng damit sa Best Men


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

LJ REYES, JOEL TORRE, DATING EXPERIMENT, KAHULUGAN NG IBA'T-IBANG HOLDING HANDS, AT PAG-MIX AND MATCH NG DAMIT SA BEST MEN
BEST MEN
Airing date: February 18, 2013





Dahil nagbabaga sa init ang buwan ng mga puso, isang malamig na challenge ang haharapin ng ating hosts na sina Jun V at RJ Ledesma sa loob ng isang Ice Skating rink! Pero may panlaban sila sa lamig dito dahil makakasama nila ang hot na hot at latest cover babe ng FHM magazine na si LJ Reyes!

At kung natuwa kayo sa ating dating game noong isang langgo, ibang klaseng dating game naman ang handong namin sa inyo ngayon! Last week, ang pinagbasehan ng ating Beauty Queen searcher ay ang mga kwarto ng guys, ngayon naman ang isang lalaki ay pipili ng kanyang makaka-date sa pamamagitan lang ng kanyang ilong o pang-amoy! Maamoy kaya ng lalaking ito ang kanyang dream date? Matutukoy kaya ng kanyang sense of smell ang tipo niyang babae?

Hindi rin kami magpapahuli pagdating sa fashion tips dahil ngayong Lunes, tuturuan natin ang mga kalalakihan na mag-mix and match ng kanilang mga lumang damit! Hindi na kailangan ng bagong set ng wardrobe ngayong 2013, tumutok lang sa Best Men para sa inyong kaka-ibang re-invention ng japorms!

At dahil punong-puno ng emosyon ang buwan ng pag-ibig, ipapakita ng batikang aktor na si Joel Torre ang kanyang kaka-ibang kakayahan sa pag-arte! Isang drama class at acting 101 ang handog ng ating Best Men of the Week! At bukod sa acting, alamin din ang kanyang passion sa pagluluto ng masarap na chicken inasal!

Isang matinding kumbinasyon ng init at lamig at kaka-ibang dating game experience ang handog ng Best Men ngayong Lunes, 10:30 PM, sa GMA News TV channel 11! The best ang Monday dahil ito ay Best Men day!