ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Indie film na Bwakaw, muling tumanggap ng pagkilala sa ibang bansa


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nagkamit ng tatlong parangal sa Vesoul International Film Festival sa France ang indie film na Bwakaw na pinagbidahan ng beteranong aktor na si Eddie Garcia. Sa ulat ni Cata Tibayan sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes, sinabing naiuwi ng Bwakaw ang Grand Jury award, Audience award at ang prestihiyosong Emile Guimet award na ipinagkaloob ng Friends of the National Museum of Asian Arts ng Paris. Ang Bwakaw na ginawa ni Direk Jun Lana, ang tanging pelikulang Pinoy na nakapasok umano sa naturang festival. Ayon kay Direk Jun, posibleng nagkaroon ng kakaibang pagtingin ang mga manunuri sa kwento ng Bwakaw dahil hindi ito istorya ng karahasan o prostitusyon, kundi kwento ng pag-iisa at pagtanda. - FRJ, GMA News

Tags: bwakaw, thywomb