ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

1 patay, 14 nawawala sa paglubog ng barko sa Pangasinan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isa ang naiulat na patay habang sugatan naman ang pito pang iba nang lumubog ang barko ng Myanmar sa karagatan sa probinsya ng Pangasinan, inihayag ng Philippine Coast Guard nitong Linggo. Sa ulat ng radio dzBB, sinabi ni Coast Guard spokesman Lt. Cmdr. Armand Balilo na 14 pa ang naiulat na nawawala at kasalukuyan nang pinaghahanap. Ayon kay Balilo, nakatanggap sila ng ulat na lumubog ang barko na "Arita Bauxite" sa karagatan ng bayan ng Bolinao sa Pangasinan nitong 9 ng umaga. Ayon sa kanya, nagkaroon ng problema ang makina ng barko at pinaghahampas ng malalaking alon hanggang lumubog ito. Sugatan ang ilang crewmembers ng barko, ayon sa Coast Guard. Ayon kay Balilo, nagpadala na ang lokal na pamahalaan ng Bolinao ng patrol boat sa lugar para sa search and rescue ng mga nakaligtas. — Amanda Fernandez/BM, GMA News