ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Susugod ang Fashbook sa Set ng Temptation of Wife at closet ni June Macasaet
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Susugod ang 'Fashbook' sa Set ng 'Temptation of Wife' at closet ni June Macasaet
Airing: February 20, 2013
Ngayong Miyerkules, susugurin ng Fashbook ang set ng sikat at isa sa pinaka-fashionable na primetime drama sa GMA ang "Temptation of Wife".
Makakapayanam ang mga bidang sina Marian Rivera, Glaiza de Castro, Dennis Trillo at Cheri Gil tungkol sa kanilang mga kasuotan sa teleserye. Alamin kung paano nakakatulong kina Marian at Glaiza ang kanilang mga damit sa kanilang pag-arte bilang sina Chantal at Heidi. Malalaman din ang mga style inspiration para sa look ni Chantal at ang sumisikat ng hairstyle naman ni Glaiza.
Susugurin din ng Fashbook ang closet ng Manhunt International Pageant winner na si June Macasaet. Bukod sa mga damit niya at iba’t ibang fashion items, ipapakita rin ni June ang kanyang sikreto sa pagkakaroon ng magandang katawan.
Sa Fashbook Q and A naman, isang estudyanteng may sikretong pagtingin sa kanyang kaklase ang tutulungan ng Fashbook Life Coach na si Ms A. Magbibigay ng ilang tips si Ms A kung papaano maging confident lalong-lalo na kapag kaharap na ang crush. Isa sa kanyang mga payo ay ang magdala ng gamit na makapag-papaala kung gaano ka-importante ang sarili. Susundan naman ito ng ilang beauty tips ni Solenn para sa isang estudyante, working girl at busy mom. Ituturo ni Solenn ang isang mabilis at madaling make-up na magagawa sa loob lamang ng limang minuto.
Mapapanood ang Fashbook tuwing Miyerkules, 10:00 PM, pagkatapos ng SONA sa GMA News TV.

More Videos
Most Popular