ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Geoff Eigenmann at Bela Padilla, pinasaya ang kanilang Cebuano fans
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Pinasaya at pinakilig ng mga Kapuso star na sina Geoff Eigenmann at Bela Padilla ang kanilang Cebuano fans sa isang mall show. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV, sinabing umaga pa lang ay marami nang nagpunta sa isang mall sa Lapu-lapu City para makita ang dalawa. Hindi naman daw binigo nina Geoff at Bela ang mga Cebuano sa ipinamalas nilang production number. Ilang fans din ang nabigyan ng pagkakataon na makasama ang dalawa sa stage. Nagkaroon din ng mga palaro kung saan namigay ng mga papremyo. -- FRJ, GMA News
Tags: belapadilla
More Videos
Most Popular