ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

2 lalaki na dating bilanggo, patay sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dalawang lalaki na kapwa dating mga bilanggo ang nasawi sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Cebu City. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon, kinilala ang nasawing biktima na si Ronald Desina ng barangay Bulisan, Cebu City. Sumuko naman ang suspek na si Claudio Alipio. Ayon kay Alipio, idinepensa lang niya ang kanyang sarili at nakipag-agawan ng baril kay Desina na siyang tinamaan nang pumutok ang armas. Dead on the spot naman ang isa pang lalaki nang barilin ng hindi pa nakikilalang suspek malapit sa barbeque stall sa lungsod ng Cebu. Bago ang pamamaril, sinabing may nakaaway muna ang biktima, ayon sa mga saksi. Inaalaman din ng pulisya kung may kinalaman ang pagkakakulong nito sa nangyaring krimen. - FRJ, GMA News

Tags: cebucrime, cebu