Silipin ang buhay ng hot momma na si LJ Reyes sa harap at likod ng camera.
“As you grow older, nagbabago ang tingin mo sa kagandahan, dahil bukod sa maamong mukha, magandag hubog ng katawan at mala-porselanang kutis, true beauty comes from within... Dahil pag maganda ka inside and out, you rock!”
-LJ Reyes
Halina’t silipin ang buhay sa harap at likod ng camera ng hot momma na si LJ Reyes. Alamin kung paano niya pinagsasabay ang buhay single mom, ang magulo at makulay na mundo ng showbiz, at ang pagne-negosyo.
Samahan natin si Lj sa autograph signing ng FHM as she once again stands out on the cover page. Mas mature at sexy na nga ba ang mga susunod niyang projects?
Isang maswerteng fan rin ang makakasama niya sa isang spa treat at wall climbing activity na isa rin sa paboritong sports ni LJ.
At siyempre, hindi mawawala ang pagsama natin sa “mommy time” ni LJ. Silipin ang bonding moments niya with her son Aki together with her closest friends.
Lahat ng 'yan sa "Follow that Star" this Saturday, February 23, 2013, 8:00 PM sa GMA News TV.