We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ngayong Sabado, Pebrero 23, mas marami pang mga "Superhumans" na may taglay na kagila-gilalas na abilidad ang ipakikilala ni Sen. Bong Revilla Jr., sa Kap’s Amazing Stories. Tulad ni Tim Friede ng Wisconsin, USA, na napapabalitang hindi tinatablan ng lason ng pinakamakamandag na ahas sa buong mundo. Ipapakita ni Tim ang pagturok niya sa kanyang katawan ng kamandag ng inaalagaan niyang Black Mamba. Wala nga kayang maging epekto sa kanya ang lason ng ahas? Ipinagmamalaki naman ng London ang kanilang Elastic Rubber Band Man na si Gary Turner. Tawag-pansin sa marami ang taglay niyang most stretch skin. Mapatunayan kaya ni Gary ang kanyang pagiging superhuman sa pamamagitan ng kanyang mala-gomang balat? Posible kayang makontrol ang natural na reaksyon ng katawan para makalunon ng pitong espada? ‘Yan ang kakaibang katangian ni Dan Meyer. Hindi lamang isang 20-inches na espada ang kaya niyang lunukin, kung hindi pitong espada. Paano nga ba nagagawa ni Dan na ipasok ang mga espada sa kanyang bibig hanggang sa loob ng kanyang tiyan? Kilalalin sila at iba pang mga "Superhumans" sa Kap’s Amazing Stories na mapapanood tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng Celebrity Bluff sa GMA7.