ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Sindikato umano ng carnapper sa Cebu, nabuwag; 2 Koreano, 1 Pinoy, naaresto


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dalawang Koreano at isang Pilipino na sangkot umano sa isang sindikato ng carnapper ang nadakip ng mga awtoridad sa lalawigan ng Cebu. Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas Ngayon nitong Huwebes, sinabing kabilang ang tatlo sa grupong nasa likod ng sunod-sunod na nakawan ng sasakyan sa lalawigan. Umabot sa siyam na sasakyan na umano'y ninakaw ng grupo ang nabawi sa magkakahiwalay na operasyon na isinagawa ng mga operatiba ng Mandaue City Police at Highway Pagtrol Group ng Cebu. Noong nakaraang buwan, sunod-sunod umano ang insidente ng carnapping sa iba't ibang bahagi ng Cebu. Sinabing unang naaresto ang Pinoy na si Rafael Montilla, at itinuro ang mga kasamang Koreano na sina Kim Jae Young at Hong Seo Yong. Nakuha umano sa dalawang dayuhan ang mga susi at gamit ng mga sasakyan, pati ang mga drug paraphernalia. Inamin ni Kim ang pagnanakaw sa mga sasakyan dahil sa kawalan umano ng pera. Hinahanap na rin umano ng mga awtoridad ang iba pang kasama sa grupo. - FRJ, GMA News