ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Sundalo at pulis na binihag ng NPA sa Davao del Norte, pinalaya na
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Pinalaya na ng New People's Army (NPA) ang sundalo at pulis na binihag nila sa loob ng mahigit isang buwan sa Davao del Norte. Kinilala ni Lt. Col. Lyndon Paniza, tagapagsalita ng Army's 10th Infantry Division, ang pinalayang mga bihag na sina Pfc. Jezreel Culango at PO1 Ruel Pia. Sina Culango at Pia ay binihag ng NPA noong Enero 17 sa Compostela Valley. Sinabing ipinagkatiwala ang dalawa kay Davao City Vice Mayor Rodrigo Duterte nang palayain dakong 4 p.m. "They underwent prompt medical check-up and they appear okay," ayon kay Paniza "They were turned over to Vice Mayor Duterte." Sa kabila ng pagpapalaya, sinabi ni Paniza na inihahanda nila ang pagsasampa ng kaso laban sa mga rebeldeng dumukot sa dalawa. -- FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular