ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
LGUs, mga paaralan sa NCR nagsuspinde ng klase dahil sa ulan
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nagsuspinde ng klase ang maraming local government units at mga pribadong paaralan nitong Biyernes sa gitna ng patuloy na pag-ulan sa Kamaynilaan.
Sinuspinde ng ilang LGUs sa Quezon City at Pasay City ang kanilang panghapon na mga klase sa elementarya at high school, ayon sa ulat ng dzBB.
Maagang nagsuspinde ng klase ang Maynila at Parañaque City, ngunit mga pampublikong paaran lamang sa Maynila ang apektado ng suspensyon.
Ipinaubaya na lamang ni Mayor Alfredo Lim ang desisyon kung magsuspinde o hindi ang mga pribadong paaralan.
Sumunod namang nagsuspinde ng kani-kanilang mga klase bandang tanghali ang ilang private schools sa Metro Manila, gaya ng:
- Adamson University, at ayon sa Twitter post nito: "work and classes suspended starting noon due to inclement weather."
- Arellano University: (Twitter post) "classes suspended all levels at main campus."
- Colegio de San Juan de Letran: (Twitter post) "basic education classes will suspended starting 2 p.m., but classes at the college level will go on."
- Polytechnic University of the Philippines Sta. Mesa campus.
- San Beda College: (Twitter post) "classes suspended from noon onwards."
- Malayan High School of Science: "classes suspended starting noon."
Babala sa ulan
Nagbabala ang PAGASA na maaaring magtuloy-tuloy ang malakas na ulan sa Kamaynilaan at sa katimugang Luzon hanggang Biyernes ng hapon.
Naglabas ang PAGASA ng "Yellow rainfall advisory" dakong alas-11 ng umaga para sa Metro Manila, Calabarzon provinces sa southern Luzon; Bulacan, Pampanga, Bataan at Zambales in Central Luzon.
"Flooding is possible in low-lying areas and those located near river channels," ayon sa PAGASA.
Sinabi ni PAGASA forecaster Mario Palafox na ang pag-ulan ay dulot ng hanging amihan at maaaring magtatagal ito hanggang Biyernes ng gabi.
Sa isang hiwalay na panayam sa dzBB, sinabi rin ni Palafox na bahagyang gaganda ang panahon sa Sabado, ngunit may mga pag-ulan pa ring mararanasan.
"Mamaya hihina ito at gaganda kinabukasan. Bukas sisilip ang haring araw pero hindi tuluyan maging maganda," aniya.
Samantala, sinabi ng PAGASA na kailangang maghanda ang Local Disaster Risk Reduction and Management Councils para maiwasan ang anumang sakuna sa kanilang nasasakupan.
Dapat umanong palaging makibalita sa lagay ng panahon. — LBG GMA News
More Videos
Most Popular