GMA News Online
Ulat Filipino
»
Pinoy Trivia

Higit na marami ang 'senior' na babae kaysa lalaki

February 22, 2013 9:02pm
Alam niyo ba na halos pitong porsiyento ng mahigit 92 milyong populasyon ng Pilipinas ay nasa edad 60 pataas o kung tawagin ay mga senior citizen.

Batay sa pinakahuling datos na isinagawa ng Census of Population and Housing noong 2010, lumitaw na 6.8 percent ng 92,097,978 o tinatayang pitong milyon ng populasyon ng bansa ay nasa edad 60 pataas.

Ang naturang bilang ng mga nakatatanda nitong 2010 ay mas mataas ng anim na porsiyento kumpara noong 2000 kung saan ang populasyon ng bansa ay nasa mahigit 73 milyon pa lamang.

Sa bilang mga nakatatanda, 55.8 percent sa kanila ay mga babae at 44.2 percent naman ang mga lalaki.

Ang Region I ang naitalang lugar na may pinakamaraming nakatatanda (9 percent), sinundan ng Region VIII (8.2 percent), Region VII (7.8 percent), Region II (7.3 percent), Region III (7.0 percent), at Caraga at Cordillera Administrative Region na kapwa may tig-6.9 percent. - FRJ, GMA News