ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Full Transcript: Jamby Madrigal on 'Kandidato 2013'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Jamby Madrigal on Kandidato 2013Controversial senatorial candidate Jamby Madrigal was recently interviewed by Arnold Clavio and Malou Mangahas on "Kandidato: 2013," the special election series of GMA News and Public Affairs.

The self-proclaimed social reformist Madrigal discussed her stand on same-sex marriage, her family's stake in mining, and how she managed to set aside her 2010 feud with Sen. Manny Villar to become political allies with his wife.

Here's the full transcript of her interview on "Kandidato 2013."

--

ARNOLD CLAVIO (AC): Magandang gabi po at kasama natin ngayon sa Kandidato si dating senador Jamby Madrigal.

JAMBY MADRIGAL (JM): Magandang gabi Arnold, Malou. Magandang gabi. Nice to be back here in GMA.

On being in the same political party as Cynthia Villar

AC: Ang unang tanong namin, paano ninyo nasikmura na makaalyado ang asawa po ng dating talagang matinding kritiko kayo nung 2010 presidential elections, si Senador Manny Villar?

JM: Alam niyo, Arnold, Malou, maski ano namang form of corruption, kritiko ako. 'yung C-5 controversy ay isang issue na talagang naniniwala ako, maski nasakripisyo ko ang sarili ko, ay talagang isang issue na dapat malaman ng taong bayan nung election. Sabi ko naman, ako ‘pag nilalabanan ko ang corruption, issue-based ‘yun, so hindi naman personal. Dapat sa politiko, i-separate mo 'yung sinasabi nga nila, “nothing personal, strictly politics.” So 'yung issue was a political issue at issue para sa taong bayan. Hindi naman personal na inaway ko si Senator Villar at si Mrs. Villar, so sa akin issue-based ‘yun.

MALOU MANGAHAS (MM): Bilang hindi pa tapos 'yung usapin sa inyo, ngayon, ang tanong, sa kampanya, hanggang saan kayo makikipag-cooperate o makikipag-alyado kay Mrs. Villar? Kikibuin n’yo ba siya, kakaibiganin n’yo ba siya?

JM: Nothing personal. Nagkikibuan kami. Good morning. Hello.

MM: Polite? Civil?

JM: Natapos na kasi 'yung issue ng C-5. That is for history. That is for the record books. Nagkikita kami, it doesn’t mean naman na 'yung kanyang advocacies or 'yung kanyang philosophy, o prinsipyo, akin din pero siguro in this coalition, meron kaming lahat na agreement na 'yung mga legislative agenda namin, kung makaupo muli, ay tutulong dito sa administration na maisulong talaga itong legislative agenda in the last three years ni President Aquino.

On the 2004 and 2010 elections

AC: Senadora, hindi naging maganda ang performance ng ranking ninyo. Forty-six thousand lang ang bumoto sa inyo nung 2010 elections. So anong tingin n’yo na tsansa n’yo na makabalik kayo sa senado ngayon?

JM: Well nung 2010 naman, more than 15 million ang bumoto sa akin. Ang presidency is very different at alam n’yo I was an independent, and I had one advocacy, na magkaroon tayo ng… masugpo 'yung corruption. So I don’t think it is linked to my chances in the senatorial.

AC: Pero nung 2004 naman ay 85 million pesos ang ginastos ninyo, at 13 million ang bumoto sa inyo pero may endorser kayo? Ngayon ba wala kayong plano?

JM: Ngayon, malakas ang endorser ko, si Presidente Aquino. So I think, nagpapasalamat ako sa endorsement niya. Para sa akin, malaking-malaking tulong ‘yun sa lahat ng kandidato niya na ma-endorse personally ni President Aquino.

MM: Pero 'yung mga inendorso ni Pangulong Aquino sa ngayon, medyo hindi yata umaangat sa top 12, kabilang na kayo. Anong plano n’yo para medyo tumaas ng konti ang ranking n’yo sa mga survey?

JM: Alam n’yo po, kami kasi, kung makikita n’yo 'yung tumataas, siguro hundreds of millions na ang na-spend nila sa ads. Lalung lalo na 'yung mga bagong UNA candidates na tadtad talaga sa ads. Ako naman, gusto kong sumunod sa batas. Hindi kami nag-e-epal masyado. I think I agree 'yung sinasabi ng political analyst na 'yung situation is very fluid. Pwede kang nasa taas ngayon, pwede ka nasa baba sa election. Mas maganda po 'yung tumaas kesa sa bumaba. So to me, 'yung surveys na yun reflect the fact na ang dami na nilang mga ads. Kami ngayon pa lang mag-uumpisa. 

On knowing the price of basic commodities

AC: Doon sa mga nagdaang debate, parang hindi kayo natuwa na tinanong kayo tungkol sa presyo ng basic commodities. Ngayon ba kayo ba, pamilyar na? Namimili na din ba kayo? Kapag tinanong kayo, alam n’yo na ang presyo?

JM: Ang sasabihin ko, namimili ako ng gulay. Kasi yan 'yung kinakain ko. Pero hindi naman ako magiging hypocrite na pupunta ako sa market na ‘yun, at sasabihin ko, Arnold, alam na alam ko 'yung presyo ng ganun. Kasi it does not stop you from being a kurakot. Would you much rather na alam ng tao 'yung presyo ng galunggong, tapos pag makaupo nangungurakot, at inalam na niya ‘yun sa araw-araw na ito? Ako naman, transparent ang sinasabi ko sa inyo. Hindi ako kumakain ng galunggong. Kumakain ako ng laing, kumakain ako ng mongo. I like 'yung pagkain na ganun, simpleng pagkain. Pero hindi ko naman sasabihin sa iyo, Arnold, alam ko 'yung presyo ng lahat. Tapos ‘pag nakaupo magnanakaw ako.

On mining

MM: Isa sa mga itinuturing na malawak na napinsala ang Compostela Valley dahil sa minahan sa lugar na ‘yun. Ang pamilya n’yo dati ay merong mining company, anong panukala n’yo para malutas ito?

JM: Alam n’yo po, 'yung mining company namin ay nakuha ni Marcos nung time ni Marcos. Nahulog ‘yun kasi talagang inipit. So ang tagal na po nun, 1982 nang hindi na amin ‘yun. Ang lolo ko naman binili ‘yun nung 1953. Nung umalis si Mac Arthur, pinagbili ng Amerikano sa kanya pero never kaming nagka-mining accident and ngayon, I am proud to say, wala na sa mining ang pamilya ko for 40 years. 40 years wala na kami but 'yung stand ko na malakas ako against the irresponsible mining. 'yung stand ko para sa kalikasan, ‘yan ang nagpapatibay sa stand ko na dapat pag may mining, hindi lang 'yung mercury na nakatapon, kasi ang dami kasing nung nakaraang administrasyon ni Presidente Arroyo, ng dami nilang mining permit na binigay at si Presidente Arroyo pa 'yung nagpagawa ng baligtad na batas, 'yung mining act na na-ratify. Kasi nung araw sa panahon ng mga ibang presidente, 60-40 lang yan. Ipinilit ni Presidente Arroyo na pa-aprubahan sa Supreme Court na magkaron ng 100 percent mining ang foreigners?

On protecting the Tubbataha Reef

AC: Sundan ko lang 'yung kay Malou about environment, dahil marami ang hindi nakakaalam, isa kayo sa may-akda ng batas na nagbibigay proteksyon sa Tubattaha at diver din si Senadora. Anong nararamdaman n’yo ngayon na panay ang delay na maisalba 'yung –

JM: Sa akin kasi, 'yung family ko has been in shipping for almost 100 years at yun 'yung training ko nung ako ay bata pa, at ako naman is an environmentalist at diver. It is very unfortunate talaga na nag-beach 'yung American mine sweeper dun kasi ‘pag nagkakaron ng alon, lalong lumalaki 'yung damage. Salamat na lang na last congress napasa ko itong batas na nagbibigay ng strict guidelines na pa’no, kasi 2 yan eh, penalties and fines. 'Yung hindi nakakaintindi ng shipping at salvaging, maiinip kayo. Kasi sasabihin n’yo ang tagal-tagal na. Dalawa kasi ang kino-consider d’yan. Kung mamadaliin natin 'yung salvaging, baka lalong masira pa 'yung coral reef, at baka magka-leak ng mga lubricants, mga oils, mga toxic. Sa akin, I would much rather slow but sure, kasi once na nag-leak yan, kailangan kasi nilang gawin 'yung superstructure. Yan 'yung term, 'yung superstructure, mga bahay-bahay, puputulin ‘yan at titingnan nila kung mapo-float nila 'yung hal. Kung hindi nila ma-float 'yung hal, hindi mo naman pwedeng hilahin 'yung barko kasi masisira.

On her relationship with former Presindent Gloria Macapagal-Arroyo

MM: Nabanggit n’yo po kanina si Pangulong Arroyo, meron ba kayong tampuhan o nagkagalit kayo? Ano po ba ang totoong nangyari?

JM: Alam mo mahabang kwento ‘yun. Siguro that is for another interview.

MM: Pero kayo ba ay natraydor or na-betray?

AC: Pero supporter kayo ni Pangulong Gloria dati –

JM: Oo. Maganda naman talaga ‘yun, that is for another day. Ang masasabi ko lang, way back then, 'yung public opinion para sa kanya ay napakataas, napaka-ano. Meron s’yang gustong ipagawa sa akin na hindi ko masikmura kaya umalis na lang ako.

MM: Illegal ba yang pinapagawa sa iyo?

JM: Hindi maganda. Kontra sa kunsensya ko, kontra sa prinsipyo. Maganda po 'yung tanong na ‘yan kasi isang araw gusto ko nang ilabas talaga lahat ng nangyari.

AC: Pero naging big political contributor kayo ni Pangulong GMA?

JM: Ang pamilya ko ay biggest, isa sa pinakamalaking contributor ng kanyang tatay, for generations magkakilala na. Kaya akala ko naman, siya ay sagot sa korapsyon. So I was an innocent neophyte in 1998, supporting her and then at that time, malaking sakripisyo ko kasi nung iniwan ko siya, siniraan nila ako. You know, she was in power then, public opinion after EDSA 2 was so big for her.

On pork barrel

MM
: Nung candidate po kayo for president 2010, sabi n’yo ayaw n’yo ng pork barrel. Ano ngayon ang panig n’yo?

JM: Ang pork barrel, alam n’yo po, it is a two-edged sword. In the hands of a good person, marami kang mabibigay, so pork can be good, pork can be bad. When I was running for president, I said mabuti pa kung walang pork barrel, because it is a way to remove corruption. Now, we will have to find a way to  bring naman pano natin paparatingin 'yung yaman sa mga local areas kung alisin 'yung pork barrel. Now that there is still pork barrel, I would like to make a promise to the nation that should I accept my pork barrel, I will open my records to them completely. Mag-uulat ako sa kanila na itong eskwelahan, napagawa ito, 100 percent ng pork barrel pumunta d’yan.

On rumors about her sexuality

AC
: Kilala kayo na magaling kayong bumanat against corruption, matalim 'yung mga pananalitang binibitawan n’yo, pero baligtarin natin, ano ang pinakamatinding critic, or kritisismong inabot ni… nakarating ba sa inyo na pati sexual preference n’yo, eh na-question dati, na tawag nga sa inyo Jamboy imbes na Jamby?

JM: I have nothing against transgenders, homosexuals, and lesbians. But since I am not, batikos din ‘yun, wala akong magawa eh. It is part of the territory and 'yung batikos na, alam mo during Gloria's time, I was fighting a sitting president. So they could throw everything at me and then 'yung batikos ko din sa, I’ve forgiven him and forgotten it but since Senator Cayetano, talagang malakas 'yung magbatikos sa akin. He was the spokesman of Senator Villar running for president, so I guess foul 'yung personalan, especially 'yung tinatawag sa akin pero I have a husband, I am happily married. Problema nila yun, hindi ko problema yun.

On same-sex marriage

AC: Kasi ang susunod kong tanong, anong stand n’yo sa same-sex marriage? Kasi kilala kayo bilang conservative din eh.

JM: Well I am not conserved. Hindi conservative in the sense na 'yung kung merong pro-poor agenda kayo, you cannot be very conservative kasi you have to fight for oil deregulation law. Kailangan magkaron no’n, reform. I am more social reformist but same-sex marriage, I would much rather, if it has to be, dapat meron, sinagot ko din ito when I was running for president, I would much rather, there should be legal partnerships. So that if money or assets are involved, magkakaroon ng protection but same-sex marriage, mahirap pa din para sa akin ma-advocate that fully but there should be same-sex partnerships.

On why she should she be elected

AC
: Bakit kayo karapat-dapat na iboto ng ating mamamayan sa Senado?

JM: My record will stand for itself. Diretso ako sa salita, diretso sa gawa. Hindi rin ako... Wala rin akong utang na loob sa malalaking negosyante na kailangan ako magbayad 'pag nakaupo na ko. Whether people like me or not, 'yung konsensya ko ay malinis. Malinis rin ang paglingkod ko sa kanila. Malinis po ang serbisyo ko sa taong bayan.

AC: Salamat po, Maria Ana Consuelo “Jamby” Madrigal. Kandidato.

JM: Salamat po. God bless you.