Pep.ph
GMA News Online
Showbiz

Chariz Solomon enjoys bed scene with Benjamin Alves

February 24, 2013 5:42pm
Hindi na kailangan mag-adjust nang husto ang Kapuso comedienne na si Chariz Solomon sa kanyang married life ngayon.

Kung ano naman daw ang ginagawa nila noong hindi pa sila kasal ng kanyang mister na si Nestor Ng ay walang nababago.

Ikinasal ang Kapuso actress noong December 2012 at two months na siyang Mrs. Chariz Solomon-Ng.

Kung meron daw hindi pa nakasanayan si Chariz, iyon ay ang tawagin siyang Mrs. Ng.

“Biro ko nga, tawagin ninyo akong Mrs. Solomong!” sabay tawa ni Chariz sa press launch ng bagong afternoon drama series na Unforgettable last February 20 sa GMA Network Center.

Lahad niya, “Hindi pa kasi ako masyadong sanay na matawag na Mrs. Ng.

“Feeling ko, masyadong pormal. Tama na yung Chariz, di ba?

“Pero nakakasanayan ko na rin. Kasi nga, inaayos ko na ang ibang documents ko.

“Yung mga naka-check pa sa ‘single’ box sa civil status ay ginagawa ko nang ‘married.’

“Tapos, yung mga IDs ko, kailangan ‘Ng’ na ang nakalagay.

“Pero other than that, wala namang masyadong adjustments.

“Kasi nga, matagal na rin kami ng mister ko kaya lahat ng mga kailangan naming malaman sa isa’t isa ay alam na namin.

“Wala na kaming maitatago sa isa’t isa pa.”

Next target: a baby

Sa usapan namang baby, nakaplano na raw within the year ang pagbubuntis ni Chariz.

Tatapusin lang daw muna niya ang kasalukuyang show niya na Unforgettable at agad na raw nila haharapin ang paggawa ng baby.

“Gusto na nga namin agad-agad na. Gusto ko na rin mabuntis.

“Kaso, noong ikinasal naman ako, meron akong show na Magdalena at natapos lang siya noong January.

“Tapos, agad naman akong isinama sa cast ng Unforgettable. Sayang din naman ang work, di ba?

“Kung good for one season lang ang show, okay lang na maghintay.

“Kung ma-extend, mas bongga kasi makakaipon pa kami nang bongga bago dumating si baby!” sabay tawa niya.

Supportive husband

Very understanding naman daw ang husband ni Chariz at nakasuporta ito sa anumang nangyayari sa showbiz career ng kanyang misis.

“Yun naman ang gusto ko sa mister ko. Nakilala niya ako na ganito ka-busy ang career ko—wala siyang reklamo.

“Ako pa nga minsan ang nahihiya sa kanya, kasi yung time na sana ay para sa aming dalawa ay naibibigay ko pa sa trabaho.

“Pero okay lang daw sa kanya. Alam niya kasing mahal ko ang trabaho ko.

“Alam niyang workaholic ako… Raket kung raket ako, di ba?

“Yung pagpupuyat ko naman ay para rin naman sa aming dalawa… at alam iyon ng mister ko.”

Uninterrupted

Blessed nga si Chariz dahil hindi siya nawawalan ng TV projects.

Noong nagdaang taon ay nakalimang shows siya—Legacy, Magdalena, Spooky Nights Presents Manikurista, Bubble Gang, Ibilib.

“In one year nakaka-four or five shows ako.

“Siyempre, super thankful ako kasi malaki ang naiipon ko dahil sa mga shows na ‘yan.

“Alam kasi ng Kapuso network na mag-aasawa ako, dinamihan nila ang raket ko! Kaya thank you very much!” ngiti pa niya.

Dual roles

Kaya para makabawi si Chariz sa kanyang mister dahil sa sobrang busy niya ay inaasikaso niya ito kapag maaga siyang natapos sa kanyang taping.

“Kapag nasa bahay naman na ako, plain Mrs. Ng na ako.

“Nagluluto ako, naglilinis ako ng bahay—sanay naman ako mga gawaing bahay. Hindi naman ako senyorita.

“Gusto ko pagdating ni hubby galing sa trabaho ay may masarap siyang kakainin. Tapos, with matching masahe pa ‘yan.

“Doon ako bumabawi. Gusto ko kapag umuwi siya, malinis ang bahay namin at may masarap siyang kakainin.

“Ngayon kasi, ang project ko sa bahay ay ang pagdating ng mga pina-custom-made naming mga furnitures.

“Yung bahay kasi namin sa Commonwealth ay hugis tatlusok at three floors siya, kaya ang daming space.

“Yung mga furnitures, kailangan sukat na sukat siya.

“Since busy rin si hubby sa kanyang work, ako ang bahala sa pag-ayos ng mga furnitures.

“Kina-career ko ang pagiging interior decorator ngayon!”

New show

Sa bagong show ni Chariz na Unforgettable kunsaan bida sila Mark Herras at Kylie Padilla, mayaman naman this time ang role ni Chariz.

“Yaman-yamanan ako dito for a change. Heredera lang ang peg.       

“Kung sa Magdalena ay pokpok ako, dito sa Unforgettable ay mayaman akong pokpok!” sabay tawa niya nang malakas.

“O, di ba? Pokpok pa rin pero yaman-yamanan!

“May-ari ako rito ng mga chains of restaurants. Kaya pati mga outfits ko, pang-mayaman ang dating!”

Bed scene

Meron siyang bed scene kasama si Benjamin Alves.

“Naku, hindi ako nakatanggi sa bed scene na iyon!

“Promise! Dahil si Direk Gina Alajar naman ang director namin kaya hindi ako puwedeng umarte na ayaw ko.

“First time ko kasing gumawa ng ganoong eksena.

“Sa Magdalena kasi puro kiyeme lang. Dito sa Unforgettable, unforgettable talaga siya para sa akin!” tawa pa niya ulit.

Tawa lang daw sila nang tawa ni Benjamin bago kunan ang eksena, kaya naging kumportable sila agad sa isa’t isa.

“Biniro nga ako ni Direk Gina na parang nag-enjoy daw ako kay Benjamin!

“Sinagot ko, ‘Oo naman!’ Bihirang mangyari iyon sa akin, ‘no? Mga abs ang nahahawakan ko!

“At in fairness, ang eksena namin ni Benjamin Ingles ang mga dialogues namin.

“Sosyal nga ako dito, di ba? Tapos si Benjamin ay abogado. Kaya Inglesan kami.

“Nag-practice pa ako ng mga lines ko habang nagda-drive.

“Lahat ng mga billboards na Ingles ang nakalagay, inuulit-ulit ko ang pagbigkas with matching accent!

“Baka kasi hingan ako ni Direk Gina ng accent, at least may baon ako!” tawa pa ulit ni Chariz.

Understanding

Hindi ba nagselos ang mister niya noong malaman nito na may bed scene niya with Benjamin Alves?

“Hindi ko sinabi sa kanya... ano ako, bale?” tawa pa niya ulit.

“Nasabi ko na lang sa mister ko about the scene noong tapos na siyang kunan.

“Sinabi ko sa kanya na huwag siyang ma-shock kung may mabasa siya or marinig siya tungkol sa love scene namin ni Benjamin Alves sa Unforgettable—trabaho lang naman yun.

“Ngayon kapag napanood na niya at na-feel niya na parang nag-e-enjoy ako, trabaho rin lang yun!

“Ang totoo naman, okey lang sa hubby ko ang lahat dahil alam niyang part iyon ng work ko.

“Tsaka kahit walang abs ang mister ko tulad ng mga abs ni Benjamin, e, super love ko siya at alam niya iyon!” pagtatapos ni Chariz. Pep.ph



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus