ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

One-on-one with Fidel V. Ramos tungkol sa EDSA People Power


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
ONE-ON-ONE WITH FVR TUNGKOL SA PEOPLE POWER
BAWAL ANG PASAWAY
Airing date: February 25, 2013




Ikinalulungkot ng dating pangulo ang aniya ay pagtalikod at paglimot ng mga tao sa adhikain ng people power. Nakalimutan daw ng mga nasa gobyerno at maging ng mga mamamayan na ang pagpapalakas at pagpapaunlad ng bansa ay isang gawaing hindi natatapos.
 
Sa panayam ni Prof. Solita Monsod, sinabi ni Ramos na nagsimula siyang mawalan ng gana sa rehimeng Marcos nang paslangin si dating senador Ninoy Aquino. Nang panahon na iyon, nag-ibayo na rin daw ang pagkuha ng poder ng iba't ibang puwersa sa Sandatahang Lakas si dating AFP Chief of Staff Fabian Ver. 
 
Ito raw ang dahilan kung bakit noong snap elections ng Pebrero 1986, si Misis Aquino ang kanyang ibinoto, at hindi ang diktador na si Ferdinand Marcos. 
 
Ayon kay Ramos, kabilang sa mga isyung dapat harapin ng mga lider ngayon ay ang pamamayagpag ng political dynasties at ang pagbibigay ng puwesto sa mga kamag-anak ng mga politikong nasa poder na. 
 
Ang pagbabalik-tanaw sa EDSA people power revolution ni dating Pangulong Ramos sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie ngayong Lunes, ika-10 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.