ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Powerhouse: Butch Francisco, ikinuwento ang kakaiba niyang karanasan sa Amerika


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isa sa pinakakilalang showbiz TV show hosts  ang bibisitahin ni Mel Tiangco sa Martes sa Powerhouse.
 
Sa kanilang pag-uusap ni Mel, magiliw na ikikwento ni Butch ang mga kakaibang karanasan niya sa Amerika, kabilang na ang pagtatrabaho sa isang grocery store, ang pagmamaneho niya ng fork lift at ang pagtitipid para lang makabayad ng upa.
 
Kaabang-abang din ang pagsilip ni Mel sa tahanan ni Butch na nasa penthouse pa ng isang condominium. Puno ng mga antigong kagamitan at ibat’ibang koleksiyon na minana pa niya sa kaniyang mga magulang, kitang-kita ang pagiging malikhain at masinop ni Butch sa kaniyang private space, mga katangiang angkop na angkop daw sa kaniyang personalidad.
                                                                                                                         
Tutok lang sa bahay at buhay ni Butch Francisco sa Powerhouse, Martes, 8:00 PM sa GMA News TV.