ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Tumagas na langis mula sa lumubog na barko, pinagkakakitaan ng ilang mangingisda sa Bolinao


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Bukod sa nakatutulong sa paglilinis, kumikita rin ang ilang mangingisda sa pagkolekta ng tumagas na langis mula sa lumubog na barko sa karagatang sakop ng Bolinao sa Pangasinan. Sa ulat ni Jasmin Gabriel ng GMA-Dagupan sa Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV, sinabing nagkakahalaga ng P20,000 ang isang drum na makokolektang langis. Nananatili sa ilalim ng dagat ang MV Harita Bauxite na nanggaling sa Myanmar at lumubog noong Pebrero 16. Pitong tripulante ng barko ang nasagip habang 14 na iba pa ang nawawala. Sa imbestigasyon, lumilitaw na overloaded ang barko sa karga nitong nickel ore kaya lumubog. Patuloy din ang ginagawang paglilinis ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard at lokal na pamahalaan ng Bolinao para makontrol ang pagkalat ng tumatagal na langis. Ang kalapit na lalawigan ng Pangasinan na Ilocos Sur, sinabing nadagdagan ang mga bayan na naapektuhan ng oil spill mula sa barko. Apektado na umano ng oil spill ang mga bayan ng Tagudin, Sta Cruz. Sta Lucia, Candon. Santiago, San Esteban, Sta Maria at Narvacan. - FRJ, GMA News