ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Silipin ang buhay ni Kylie Padilla sa likod ng camera, sa 'Follow That Star.'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ano kaya ang feeling ng sikat?

“Wala kasi sa isip ko na artista ako at saka ayoko itatak sa isip na artista ako kasi wala ayoko lang maging ganun. Gusto ko maging down to earth at saka gusto ko palaging nakakarelate yung mga tao sa akin.”

Eh yung feeling ng galing ka sa pamilya ng mga sikat?

“Advantages, nakapasok ako kaagad sa showbiz. Because of my name, hindi ko dinaanan yung mga, nag-audition naman ako pero yung paghihintay ng 7 years or something hindi ko dinaanan eh. yun yung nagpupush sa akin na mag-excel pa at i-prove na I deserve to be where I am.”

Tapos yung tatay mo pa, ubod ng sikat…

“Disadvantages, siguro yung nakikita nila palagi yung tatay ko. Pag nakikita ako ng ibang tao, “pa-picture fan ako ng tatay mo”, parang hindi naman sa masama yun pero parang for me, as an artist mas gusto kong magpa-picture sila dahil ako yung ano nila yung idol nila, hindi si Papa.”

Naku! Buti pa, sabay sabay tayong mag feeling sikat at sundan ang buhay sa likod ng camera ng nag-iisang good daughter ni Baby Ama.

Multitalented dahil bukod sa pag-arte, marami raw kayang gawin si Kylie Padilla tulad ng pagkanta, pagpipinta, pagsasayaw, atbp.

At eto pa, dadalaw sa fans day niya ang kanyang loving lola at super gwapong Papa.

Kitakits sa FOLLOW THAT STAR ngayong Sabado, alas otso ng gabi sa nag-iisang GMA News TV.