ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
'Jobless graduates' sa Bawal ang Pasaway
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
'JOBLESS GRADUATES' SA BAWAL ANG PASAWAY
BAWAL ANG PASAWAY
Airing date: March 4, 2013
BAWAL ANG PASAWAY
Airing date: March 4, 2013
Kulang sa husay sa komunikasyon, hindi mahusay mag-analisa at resolba ng problema, at walang inisyatibo. Ito raw ang ilan sa mga pangunahing dahilan kung bakit apat sa sampung nagtapos ng kolehiyo ay hindi nakakakuha ng trabaho, ayon sa People Management Association of the Philippines o PMAP.
Sa panayam ni Prof. Solita Monsod, sinabi ni Dr. Jocelyn Pick ng PMAP na dagdag pang problema ay ang hindi makatotohanang mataas na suweldo na agad gustong makuha ng mga nagtapos ng kolehiyo. Gayundin, kailangan pa munang gumastos ng mga kompanya para sa muling pagsasanay ng mga graduate dahil kulang ang kahandaan nila sa trabaho. "Marami ngang graduates pero kulang sa competencies na kailangan ng market," ayon kay Dr. Pick.
Ito raw ang ilan sa mga dahilan kung bakit 12.4 percent ang unemployment rate ng mga nagtapos ng kolehiyo.
Ayon naman kay Dr. Arsenio Balisacan, Director-General ng National Economic and Development Authority, kailangang paghusayin pa ang imprastraktura at sistema ng pagnenegosyo sa bansa para mas ma-engganyo ang mga may kapital na magtayo ng negosyo sa bansa. Unang-una ay dapat aniyang mabawasan ang red tape.
Mainam aniyang magkaroon ng isang milyong trabaho kada taon para unti-unting mabawasan ang kahirapan ng mga pamilya. "Pero kailangan ng P2 trillion na investment para sa 1 million quality jobs na ito," ayon kay Balisacan. Kailangan daw ng P200,000 na investment para gumawa ng isang high quality na trabaho.
Malapit na ang graduation, mga Kapuso. Ano ang tsansa ng mga kumayod sa eskuwela na kumita matapos isuot ang toga?
Alamin sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie sa Lunes, ika-10 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.
More Videos
Most Popular