ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Ngayong Biyernes sa 'Biyahe ni Drew:' Bakasyon Grande sa Dumaguete


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
BIYAHE NI DREW: DUMAGUETE
March 2, Biyernes, 10-11pm

Sa susunod na Biyahe ni Drew, in 48 hours, iikutin ng veteran biyahero ang tinatawag na Gentle City of the Visayas, ang cozy and charming Dumaguete City.

Pag-landing pa lang sa Dumaguete City Airport, sasalubungin na si Drew ng kaniyang tour guide, ang reigning Miss Dumaguete na si Kaye.

At dahil isang university town, una siyang dadalhin nito sa pinakasikat na eskwelahan sa siyudad, — ang Silliman University! Tried, tested and world-famous ang 111-year old educational institution na ito kaya naman bukod sa Filipino students, marami na ring nag-aaral na foreign students dito.

At kung akala ng marami ay ordinaryong eskwelahan lang ito, mamamangha kayo sa mga makikita sa loob ng campus. Meron silang Botanical Gardens kung saan makikita ang iba’t ibang flora and fauna tulad ng Visayan Spotted Deer.  Nariyan din ang Silliman University Marine Museum kung saan makikita ang mga preserved specimens ng sea creatures tulad ng dugong at pawikan.
 
Siyempre, hindi kumpleto ang biyahe kung walang kainan. Sa Dumaguete City daw, hindi mo kailangang gumastos nang malaki para makakain ng masarap dahil para kang laging may student discount! For 80-120 pesos per meal, busog na busog ka na, may dessert ka pa!  Sa dami ng choices, baka nga ikaw na lang ang sumuko.  Sabi nga ni Drew, “Yung taste buds ko bugbog sarado na… pero tikman pa rin natin dahil mura at recommended ng mga estudyante. Lalo na para sa… mga taong hindi feel ang pizza o seafood, gusto niyo ng comfort food? Andyan ang tapsilog, bulalo, pochero.  In a nut shell, comfort food.”

Sa regular Biyahero Run naman, sasamahan si Drew ng Dumaguete Amateur Riders and Striders, isang grupo ng mga professionals, students and retirees na magkakasamang tumatakbo. At matapos ang kanilang morning run, Painit naman ang kanilang aalmusalin sa palengke.  Ang painit daw ay talagang  dinarayo tuwing umaga dahil for less than 50 pesos, meron ka nang malapot na tsokolate, puto at budbod (isang uri ng suman).
 
Bago bumalik sa Maynila si Drew, dadaanan muna niya ang Apo Island,  itinuturing na isa sa 10 best dive spots in the Philippines dahil sa mayamang underwater life nito!
 
Para kay Drew, kakaiba ang beauty and charm ng Dumaguete City.  At kung inakala raw niya na mauubusan na siya ng makikita rito, nagkamali raw siya.
 
“Yun talaga ang pinakamalaking challenge sa amin dito sa Biyahe ni Drew. Kahit na napuntahan na namin ang isang lugar, meron pa bang bago na pwedeng maipakita? Lo and behold, dito sa Dumaguete, meron pa talaga. And most especially, (the) people that you meet along the way.”
Tags: plug