ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Rufa Mae Quinto, ibabahagi ang kanyang paboritong 'Sinabawang Pechay' sa Sarap Diva


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dalawang Diyosa ng Kagandahan -- sina BB Gandanghari at Rufa Mae Quinto -- ang makakasama ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid sa Sarap Diva sa Sabado, March 2. Ilalatag sa Sabado ang red carpet para sa kauna-unahang Hollywood-themed house party sa Sarap Diva. Magmimistulang Hollywood bombshell na si Marilyn Monroe si Rufa Mae habang ibinabahagi niya ang kanyang unique recipe na “Sinabawang Pechay." Greek goddess naman ang dating ni BB Gandanghari habang ibinabahagi niya ang greatest secrets ng Padilla family na “Saucy Red Carpet Delight." Maghahanda naman si Regine ng kanyang appetizing dish na “Cheesy Kabute ni Ate." Bukod sa masasarap na pagkain, abangan din ang mga isisiwalat ni Rufa Mae tungkol sa mga kontrobersiyal na larawan niya sa kanyang personal Instagram account. Samantala, magkukwento naman ni BB tungkol sa kanyang mga karanasan habang lumalaki kasama ang kanyang mga kapatid. Abangan ang Sarap Diva sa Sabado, sa ganap na 9:40 am sa GMA. - FRJ, GMA News