ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

3 sasakyan, nagsalpukan sa N.Cotabato; 6 katao, patay, 8 pa sugatan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Anim katao ang nasawi, habang walo pa ang nasugatan nang magsalpukan ang tatlong sasakyan sa highway ng Pikit, North Cotabato nitong Biyernes. Ayon kay Chief Inspector Jordine Maribojo, hepe ng Pikit PNP, lima sa mga nasawi ay sakay ng isang Toyota Hi-Ace van, na minamaneho ni Mohammad Samil. Sa paunang ulat, tatlo pa lamang sa mga nasawi ang kinilala na sina Samil, Sulaiman Macaindeg at Bacuna Musa. Nasugatan naman sina Tintin Castillon, Elmer Madsay, Judy Uy, Niafa Esmael, Norhana Minang, Marima Landasan, Chanads Manampan, Sadam Lumanda, Alma Rose Maciado, at Michael Barrientos. Ayon kay Maribojo, binabagtas ng Hi-Ace van ang kurbadang bahagi ng highway sa Barangay Takepan, Pikit patungo sa Davao City mula sa Cotabato City, nang mabangga nito ang isang pampasaherong jeepney at trak ng militar. Kwento ni Barrientos, kasapi ng Special Forces na nakasakay sa military truck, mabilis ang takbo ng van na nawala sa linya at unang binangga ang pampasaherong jeepney bago nahagip ang trak. -- MCM/FRJ, GMA News