Hawak ko, Mahal ko with Princess Snell at car wash tips with Gwen Zamora sa Best Men
"HAWAK KO, MAHAL KO" WITH PRINCESS SNELL AT CAR WASH TIPS WITH GWEN ZAMORA SA BEST MEN
BEST MEN
Airing date: March 4, 2013

Handa ka na bang maka-date ang isang prinsesa? Tutuparin ng sexy actress at model na si Princess Snell ang pangarap na ito ng mga Best Men ngayong Lunes! Ang tanging hiling lang ng ating prinsesa ay mapaibig mo siya sa pamamagitan ng iyong mga palad! Kayanin kaya ng ating napiling mga Best Men na mabingwit ang isang prinsesa para sa aming dating experiment number 5 na pinamagatang: Hawak ko, Mahal ko!?
At sa ating kaka-ibang tip for the week, sasamahan tayo ng napakaganda at napaka-sexy na si Gwen Zamora! Alam naming magastos ang araw-araw na pagpapa-carwash at dahil napakahirap matukoy ang pagsasalitan ng araw at ulan, tiyak lagi na lang wa-poise ang inyong sasakyan dahil sa alikabok at natuyong putik! Sagot ni Gwen Zamora ang mabilis at maayos na car wash tips na pwedeng gawin sa inyong garahe o sa tapat lang ng inyong bahay - ibalik ang kinang sa inyong mga tsikot para dagdag pogi points!
Sa dating, may tinatawag tayong 1st base, 2nd base at 3rd base pero para sa mga dalagang Pilipina, ang 1st base na ibig sabihin ay "kissing," tiyak hindi basta-basta uubra! Ang totoong unang physical contact na ating magagawa ay "holding hands" pero hindi rin ito basta-basta - ingat sa mga da-moves, mga Best Men, at baka ma-ilang ang inyong ka-date at ang inyong date ay tuluyan ng masira! Alamin kung paano at ano ang perfect timing para ma-isagawa ang "holding hands" sa isang date at siyempre, ilalahad rin namin ang mga kahulugan ng iba't-ibang posisyon ng paghahawak kamay!
Samahan sina RJ Ledesma at Jun Veneracion para sa panibagong dagdaga kaalaman para sa mga "tuwid na adan" ngayong Lunes sa Best Men, 10:30 PM sa GMA News TV channel 11! The best ang Monday dahil ito ay Best Men day!